Ang babae sa aparador (3)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - March 28, 2020 - 12:00am

AGAD nagpasya si Jonas na pasakayin ang babae nang makitang may papala­pit na lalaki sa di-ka­layuan. Ito marahil ang humahabol sa babae.

‘‘Halika sakay na!’’ Sabi niya sa babae makaraang buksan ang pintuan sa passenger seat sa dakong kaliwa niya.

Agad namang sumakay ang babae na sakmal ng takot ang ekspresyon ng mukha.

Pinaharurot ni Jonas ang sasakyan patungo sa direksiyon ng Maynila. Hindi na muna niya inisip kung ang mga susunod na mangyayari makaraang isakay ang babae. Ang nasa isip niya ay makalayo sa lugar. Bahala na kung ano ang sumunod basta ang mahalaga ay makalayo sila.

Habang tumatakbo ang sasakyan, sinisilip ni Jonas sa rearview mirror kung may sumusunod sa kanilang lalaki. Wala na. Impo­sible nang may makasunod pa sa bilis ng kanilang takbo na 100 kph. Maliban na lamang kung may sasakyan din ang lalaki at mabilis din ang pagpapatakbo.

Pero malayung-malayo na sila ay wala pa siyang nakikita na kahit isang sasakyan na sumusunod sa kanila.

Pero hindi pa rin kampante si Jonas kaya ipinagpatuloy ang pagpapatakbo. Tahimik na tahimik naman ang babae sa likurang upuan nasilip ni Jonas sa rearview mirror. Nasa mukha pa rin ng babae ang takot at pag-aalala habang nakatingin sa labas ng bintana.

Nagpabagal lamang ng takbo si Jonas nang matanaw ang isang gasoline station. Kailangang magpakarga siya dahil hindi na aabot hanggang Maynila ang gasolina. Isa pa, baka wala nang gasolinahan na madadaanan. Mahirap nang maubusan lalo pa at may­roon siyang kasama na may humahabol. Magkahabulan man ay hindi siya kakaba-kaba.

Itinigil niya ang kotse sa gasolinahan. Agad lumapit ang gasoline boy. Ibinukas ni Jonas ang bintana.

“Full tank. Unleaded,” sabi niya sabay bukas sa tanke.

Habang nagkakarga, napa­pasulyap si Jonas sa babae sa likuran. Tahimik na tahimik pa rin.

Hindi niya magawang tanungin at baka marinig ng gasoline boy ay kung ano ang isipin. Mamaya na lang kapag tumatakbo na sila sa highway pa-Maynila.

Natapos kargahan ang sasakyan. Binayaran niya at pagkatapos ay umalis agad sila. Binilisan niya ang pagpapatakbo para tuluyang hindi na makahabol ang kung sinumang sumusunod sa babae.

Malapit na sila sa Maynila nang tanungin ni Jonas ang babae.

‘‘Sino ba ang huma­habol sa’yo?’’

Nagulat ang babae sa tanong niya at hindi agad nakasagot. Tila galing sa malalim na pag-iisip kaya nagulat sa biglang pagtatanong ni Jonas.

(Itutuloy)

APARADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with