Pari sa U.S., nag-aalok ng drive-thru kumpisal
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - March 28, 2020 - 12:00am

DAHIL sa panganib ng pagkalat ng coronavirus, hindi na lang fast food at sinehan ang maaring i-drive thru ngayon sa United States dahil pati kumpisal ay puwede na rin.

Ito’y matapos mag-alok ang paring si Scott Holmer ng drive thru confession. Bukod sa araw ng Linggo, araw-araw itong ini-aalok ni Holmer, na nakaupo sa isang silya sa parking lot ng kanyang parokya at naghihintay sa sinumang gustong mangumpisal.

Hindi na kailangang bumaba ng kanilang sasakyan ang mangungumpisal at contact-free ang blessing na ibinibigay ni Holmer bilang pag-iingat sa pagkalat ng coronavirus.

Kung ayaw naman ng nangungumpisal na malaman ang pagkakilanlan niya ay gumagamit ang pari ng piring sa kanyang mga mata.

Ayon kay Holmer, nakuha niya ang ideya mula sa mga drive-thru na coronavirus testing centers sa South Korea, kung saan maaring sumailalim sa test ang isang hinihinalang may virus nang hindi na kailangang bumaba ng sasakyan.

KUMPISAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with