EDITORYAL - Nabawasan ang air pollution
(Pang-masa) - March 27, 2020 - 12:00am

MAY magandang balita sa kabila na niyayanig ang bansa ng COVID-19. Ito ay ang pagbuti ng kalidad ng hangin sa Metro Manila. Ayon sa Institute of Envi­ronmental Science and Meteorology of the University of Philippines-Diliman, nag-decrease ng 180% ang “PM2.5” na taglay ng hangin mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa Metro Manila noong Marso 16. Ipinagbawal ang pagbiyahe nang lahat ng pampasaherong sasakyan --- mapa-lupa, dagat at himpapawid. Walang pasok sa school, trabaho at walang makakalabas at makakapasok sa Metro Manila maliban sa mga health workers, ambulansiya, mag­dede­liber ng pagkain at iba pang pangangailangan.

Ang pagkabawas sa taglay na lason ng hangin sa Metro Manila ay magandang senyales na makalalang­hap na nang sariwang hangin ang mamamayan. Baga­ma’t patuloy ang pananalasa ng COVID-19, maraming nagdarasal na mawawala rin ito dahil sa pinatutupad na quarantine at social distancing. Halos lahat nang tao ay nasa bahay para ganap na maglaho ang virus.

Sa ginawang pagpapatigil sa biyahe ng mga dyipni, bus at kahit mga pribadong sasakyan, napatunayan na ang mga ito ang dahilan ng air pollution sa Metro Manila. Ito ang silent killer na maihahalintulad din sa COVID-19.

Ayon sa report, 120,000 Pilipino bawat taon ang nama­­matay dahil sa pagkalanghap ng hangin na may lason. Number 3 ang Pilipinas sa mga bansa sa Asia na marami ang namamatay sa air pollution. Nangunguna ang China­ at ikalawa ang Mongolia. Walumpung por­siyento na pinanggagalingan ng air pollution ay mula sa mga hindi namimintinang sasakyan gaya ng jeepney.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang maru­ming hangin ay nagdudulot ng noncommunicable di­seases (NCDs). Kabilang sa mga sakit na nakukuha dahi­l sa pagkalanghap ng hangin na may lason ay allergies, acute respiratory infections, chronic obstructive pulmonary diseases, cancer at cardiovascular diseases. Bukod sa usok ng mga sasakyan, nalalanghap din ang usok ng mga sinunog na basura, goma, plastic at iba pang harmful wastes na delikado sa kalusugan.

Sa nangyaring pagbuti ng kalidad ng hangin, maa­aring ipatupad ng Department of Transportation sa tulong ng DENR na isang linggong walang biyahe ang mga sasakyan para mapanatili ang kalidad ng hangin. Napatunayan na ang bisa, kaya puwedeng isagawa ito sa hina­harap. Isalba ang Metro Manila sa pagkalason.

AIR POLLUTION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with