Ireport sa BITAG ang mga pasaway na barangay!
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - March 24, 2020 - 12:00am

DUMARAMI ang mga pasaway na barangay ngayong panahon ng krisis. Kung kailan naman mahigpit ang mandato ng Presidente na barangay ang pangunahing mangangalaga sa bawat komunidad, mukhang ang ilan ay nangunguna pang sumuway sa kautusang ito.

Maraming report ang nakaabot sa amin hinggil sa iba’t ibang paglabag na mismong barangay ang may pakana.

Sa Maynila sakop ng North Cemetery, isang residente ang nagpadala sa amin ng mga larawan habang siksikan at mahaba ang pila sa barangay hall para lamang sa quarantine pass.

Sa mga kapitang ganito ang estilo, bawal yan! Kayo mismo ang naglalagay sa panganib sa inyong mga residente, sinasabi nang social distancing titigas ng kukote n’yong mga putris kayo.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay­ Affairs Martin Diño, trabaho n’yong katukin at ibigay sa bawat kabahayan ang mga passes na ‘yan.

Sa Camarines Sur, ipinadala pa sa BITAG ang kopya ng quarantine pass kung saan nakasaad kung magkano ang bayad sa quarantine pass. Mga kawatan kayo! Libre ‘yan.

Kinumpirma ‘yan ni Diño dahil may mga report na rin siyang natatanggap. O eto pa, ‘yung mga barangay na pinipili lamang ang bibigyan ng mga relief goods o hygiene kit.

May mga nakaabot sa BITAG na inuuna n’yo ang kamag-anak o kaya naman, kung hindi kayo ibinoto nung eleksiyon ay hindi n’yo binibigyan.

Ganito ba ang mga barangay n’yo? I-report sa amin sa BITAG. Bukas 24/7 ang aming mga Facebook Pages – BITAG Live, BITAG Multimedia Network at Pambansang Sumbungan.

Lakipan n’yo ng photos o videos para may ebidensiya. Ang ilan diyan baka galit lang kay Kapitan o sa mga opisyales, ‘di uubra sa akin ‘yan.

I-report ang mga Barangay Pasaway sa BITAG! Kasalukuyan kaming nakikipag-ugnayan kay Diño sa mga ganitong sumbong dahil ang utos ng Presidente, sibakin ang mga tonto!

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with