EDITORYAL - Mga buwayang negosyante, dakmain ng DTI!
EDITORYAL - Mga buwayang negosyante, dakmain ng DTI!
(Pang-masa) - March 22, 2020 - 12:00am

MARAMING nagsasamantalang negosyante ngayon. Masahol pa sila sa matakaw na buwaya para kumita ng pera. Ang mga matatakaw at mapagsamantalang negosyante na ito ang nararapat dakmain ng Department of Trade and Industry (DTI). Naglipana sila ngayon habang naka-enhanced community quarantine ang Luzon dahil sa COVID-19.

Maraming nagsasamantalang negosyante sa kasalukuyan. Lahat nang pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagtataas nang sobra-sobrang presyo ay ginagawa nila. Wala na silang pakialam basta kumamal sila ng sandamukal na pera.

Ilan sa mga mahahalagang bagay na itinataas nila ngayon ay ang alcohol, face masks, sanitizers, disinfectant at thermal scanners. Palibhasa’y laging ginagamit ang mga nabanggit, dito nagpokus ang mga mapagsamantala. Itinatago nila ang alcohol, saniti-zers, face masks at iba pang bagay at saka ilalabas kapag nagpapanik na ang mga tao pero sobra-sobra ang pinapatong nilang presyo.

Karamihan sa mga negosyanteng ito ay nasa kahabaan ng Rizal Avenue sa Maynila particular na sa Bambang Street. Kamakalawa, sinalakay ng DTI at mga kagawad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang tindahan sa Bambang na nagbebenta umano ng alcohol na sobra-sobra ang presyo.

Nang halughugin ang tindahan, nakuha ang ta-laksan ng mga kahon na ang laman ay mga botelya ng alcohol. Napag-alaman ng DTI at CIDG, ang 60 ml. ng alcohol ay ibinebenta ng P80 hanggang P100. Sobra-sobra ang presyo sapagkat ang suggested retail price (SRP) ng 60 ml. na alcohol ay P20 lamang.

Wala naman ang may-ari ng tindahan at ang mga tindero lamang ang naroon. Kinasuhan na umano ang may-ari at nahaharap siya sa mabigat na kaso.

Kumilos pa ang DTI sapagkat marami pang tindahan na sobra-sobra ang presyo ng paninda. Hulihin sila! Bawian ng lisensiya at saka ikulong. Paigtingin ng DTI ang pagsubaybay sa mga mapag-samantala. Masahol pa sila sa buwaya!

NEGOSYANTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with