^

Punto Mo

Mga oportunidad na dala ng COVID-19

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

BAWAT krisis ay may dala-dalang oportunidad. Ang COVID-19 o coronavirus ay isang pandaigdigang krisis. Depende sa ating pananaw, maaari nating makita hindi lamang ang pro-blema, kundi maging ang mga buti o mga oportunidad na dala nito.  Binago ng COVID-19 ang marami nating paniniwala at pananaw. Naririto ang ilan:

Walang makapangyarihang bansa sa harap ng epidemyang tulad ng sakit. Nagsimula ang COVID-19 sa China. Isa itong “humbling experience” sa isang bansang superpower na katulad ng China.

Napakaliit ng daigdig na anumang mangyari sa isang bansa ay makakaapekto sa iba.  Nagsimula lamang sa China, ngunit ngayon ay apektado na ang buong mundo, kung kaya’t ang sakit ay idiniklara ng World Health Organization na isang “pandemic.” Dapat na nating burahin sa ating bokabularyo ang salitang “walang pakialam,” dahil hindi puwedeng wala tayong pakialam.

Ang kalusugan ay higit na mahalaga kaysa kayamanan at kapangyarihan.  Dahil sa COVID-19, bagsak ang ekonomiya ng buong daigdig. Ang kalusugan ay dapat nasa unahan ng prioridad ng isang tao man o bansa.

Ang pagkamakasarili ay nagpapahamak sa halip na nagliligtas. ‘Yong mga nag-hoard ng alcohol at face masks, hindi yata nila naisip na ‘yong ibang dinapuan ng sakit dahil walang nabiling alcohol at face masks ang siyang manghahawa sa kanila.

Bukambibig ng marami ngayon ang panalangin. Ang magagawa natin ngayon ay laging maging handa at laging manalangin.  Ang panalangin ay hindi “last resort.” Anumang ginagawa natin ay dapat pangunahan ng panalangin.

Inaatasan ang mga tao na manatili na lamang sa bahay kaysa lumabas.  Ito ang nalilimutan na ng marami—ang manatili sa bahay upang doon magsama-samang kumain, magkuwentuhan, at magtawanan bilang pamilya.

Luminis daw ngayon ang hangin dahil sa paghinto ng mga pabrika, lalo na sa China. Ang paglaganap ng mga mapaminsalang kalamidad at sakit ay kagagawan ng tao dahil sa pagsira sa kalikasan.  Kapag kalikasan ang nagalit, walang laban kahit ang mga superpowers.

Tiwala sa gobyerno at sa isa’t isa ang kailangan natin upang tayo’y magtagumpay laban sa COVID-19.  May mga pagkakataon na dapat nating ipailalim ang ating sariling kaginhawahan para sa kapakanan ng nakararami. May mga pagkakataon na dapat unahin muna natin ang ating pananagutan kaysa ating karapatan. Ang pagkakataong iyan ay ngayon. Ang magtatagumpay sa labanang ito ay ang bansang ang mamamayan ay handang magsakripisyo at magsulong ng pananagutan kaysa karapatan.

May mga pagkakataon na kailangang isaisantabi muna natin ang ating pagkakaibang pulitikal, teolohikal at idiolohikal. Ngayon din ang pagkakataong ito. Dilaw ka man o pula, kailangan tayong magkaisa bilang mga Pilipino na harapin ang hamon ng COVID-19.

Takot ang matinding kalaban natin ngayon, sapagkat hindi natin kontrolado ang sitwasyon. Ang tanging panlaban sa takot ay ang pananampalataya sa Diyos na Siyang may kontrol ng anumang sitwasyon.

Ito ang panahon na kailangang patunayan ng bawat tagasunod ni Cristo, siya man ay Katoliko, Protestante o Ebangheliko, na ang kanyang pananampalataya ay nasa puso at hindi lamang sa puso, sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan. Ang pagsamba ay kailangang ituring niya na paraan ng pamumuhay, kung saan sinasamba niya ang Diyos, hindi lamang sa loob ng simbahan, kundi higit sa lahat sa labas sa pamamagitan ng mabuti niyang pakikitungo sa kapwa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with