^

Punto Mo

Ang huling pasahero

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG bus na puno ng pasahero ang naglalakbay sa highway. Noon ay umuulan at kumikidlat. Sa ilang oras na pagmamaneho, napansin ng driver na limang beses na silang pinagmumuntikanang tamaan  ng kidlat. Ang driver ay psychic. May negatibo siyang nadadama nang oras na iyon. Kaya nagpasya siya na ihinto ang bus at kausapin ang mga pasahero.

“May nakatakdang mamatay ngayong araw na ito sa pamamagitan ng kidlat. Ngunit ang problema, hindi ko matukoy kung ilan at sinu-sino ang nakatakdang tawagin ni Kamatayan. Kung hindi ko itinigil ang bus na ito, lahat tayo ay mamamatay. Unfair naman doon sa mga taong madadamay kahit hindi pa nila oras. Kaya naisip kong isa-isa tayong bababa ng bus at yayakap  sa malaking puno ng tatlong segundo. Kung sino ang naka-schedule na mamatay, iyon ang tatamaan ng kidlat.”

Mga 50 ang laman ng bus – 49 pasahero plus ang driver. Ang driver ang unang yumakap sa puno. Bawat isa ay nakadama ng takot lalo na habang sila ay nakayakap sa puno. Bawat yumakap sa puno ay bumabalik din sa bus pagkaraan. Walang kidlat na tumama sa puno hanggang sa ika-49 na pasahero.

Si Donato ang ika-50 pasahero. Siya ang pinakahuling bumaba sa bus para yumakap sa puno. Iisa ang nasa isip ng driver at ng 48 pasahero: Malinaw na si Donato ang nakatakdang mamatay at tatamaan ng kidlat. Siya pala ang may bitbit na malas.

Habang nakayakap si Donato sa puno, biglang gumuhit ang nakakabulag sa liwanag na kidlat. Sumasagitsit itong tumama sa bus na kinaroroonan ng 49 na tao. Namatay sila lahat. Ang presence lang pala ni Donato ang pumipigil upang hindi tamaan ng kidlat ang bus. Kasi nga, hindi pa niya oras.

Ang simpleng aral ng istorya  – huwag maging mapanghusga. Ang mga nagmamalinis, madalas, sila ang marumi. Ang inaakusahan nilang marumi ay biktima lang ng mapanirang-puri na mga balita.

vuukle comment

PASAHERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with