Pasaway na mga Pinoy, lapitin ng COVID!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - March 20, 2020 - 12:00am

NASA tamang landas ang gobyerno ni President Digong nang ipatupad nito ang quarantine sa buong Luzon para pigilan ang pagkalat ng COVID-19 virus sa mga Pinoy. Nakababahala kasi ang projection ng World Health Organization (WHO) na aabot sa 75,000 Pinoy ang dadapuan ng naturang sakit kapag nagpabaya tayo. Ang malungkot lang, imbes na sundin ang Luzon-wide lockdown ng gobyerno marami pa ang bumabatikos nito na nag-trigger ng bangayan sa social media. Bakit ba mahirap talaga tayo magkaisa kahit nakaharap pa sa kalamidad? Sa totoo lang, napatunayan na epektibo itong quarantine sa paglaban sa COVID na ginawa sa China kung saan nagsimula itong sakit na wala pang lunas hanggang ngayon. Kapag sinabi ng gobyerno ng China na quarantine, aba lahat sa kanila ay sa bahay lamang, at kung may lumabas man ay ‘yung bibili lang ng pagkain, mga gamot at iba pang pangangailangan. Sa ngayon, zero ang China sa COVID. Dito sa Pinas? Aba sa tatlong araw na pagpatupad ng lockdown ay may makikita ka pa sa kalye na nagkukuwentuhan at nag-iinuman na hindi inaalintana na baka dapuan sila ng sakit. Pag nagkataon, hindi lang sila kundi ang buong pamilya nila ang malalagay sa alanganin. Higit sa lahat, ang hindi na dapat lumabas ng bahay ay mga senior citizens, mga may sakit tulad ng diabetes at mga buntis. Tumataas na ang bilang ng namatay sa COVID at maging ang apektado kaya dapat sobrang ingat tayo mga kosa para hindi tayo mapabilang sa listahan ng Department of Health (DOH). Araguuyyy! Hak hak hak! Kung di na rin lang kailangan, dapat ‘wag na lumabas sa mga bahay n’yo mga kosa dahil hindi panahon ngayon na pairalin ang katigasan ng ulo. Hindi lang buhay n’yo ang nilalagay sa panganib kundi pati mga mahal n’yo sa buhay.
Itong 14-day quarantine ay hindi imbento ng mga eksperto mga kosa, kundi galing sa scientific research ng mga medical experts sa buong mundo. Kaya mas mabuti kung nasa bahay lang tayo, kasi kapag pumunta ka sa mataong lugar na may posibilidad na makasalamuha mo ang COVID positive na hindi mo nalalaman. Sinabi kasi ng mga eksperto na maaring may sakit ka na subalit wala pang symptoms kaya’t may posibilidad na mahawa mo ang mga kamag-anak, ka-trabaho at iba pang mahal mo sa buhay. At kapag nangyari ito, malaking problema para sa taga-DOH na kilalanin at hanapin kung sino ang mga nakasalamuha ng COVID positive sa mga pampublikong lugar. Get’s n’yo mga kosa? Ang primerang rason sa quarantine ay para kaagad makilala at mahiwalay ang mga taong maaring carrier ng virus, ngunit hindi nila nalalaman kung kaya malaking chance na sila ay makahawa ng maraming tao, dahil 14 days ang tinatawag ng «incubation period» o panahon bago lumabas ang sintomas ng sakit na COVID. Kung may community quarantine, mas madaling masasala at maihiwalay kung sino ang mga COVID carrier, hindi ba mga kosa? Kailangan mabawasan ang bilang ng mga COVID carriers na hindi alam ang kanilang condition at nakakapanghawa ng kapwa Pinoy kaya nararapat lamang na tayo ay sumunod at makiisa sa community quarantine. Dapat tayong magtulung-tulong para sugpuin ang COVID. Nasa panahon tayo mga kosa na dapat maging malinis sa pangangatawan at masunurin sa ating mga health authorities. Abangan!

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with