‘Rights to life’ ng mga Pinoy, protektado ng PNP – Eleazar
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - March 18, 2020 - 12:00am

ANG karapatan na mabuhay o “rights to life” ang pinuprotektahan ng Philippine National Police sa pagsagawa ng checkpoint operations sa Metro Manila at hindi ang kung ang anu-ano pang isyu na ikinakalat ng mga kritiko ni President Digong, ‘yan ang paliwanag ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang PNP Deputy for Operations.

Sinabi ni Eleazar na kung ang buhay na ng mga Pinoy ang nakasalalay, ang iba pang rights, tulad ng human rights, ay pumasailalim na lang nito. Kaya dapat ‘wag mabahala ang sambayanan sa checkpoint operations ng PNP at militar sa entry at exit points ng Metro Manila dahil ang pangunahing layunin nito ay ang pagpigil ng pagkalat ng COVID-19 na mabilis na kumakalat at kumitil ng buhay ng tatamaan nito.

Ang checkpoint operations ay ipinatupad ni Digong sa Metro Manila noong hatinggabi ng Marso 15 para malimitahan ang pagpasok at paglabas ng mga Pinoy sa Kamaynilaan nang sa gayon ay mapigilan ang pagkalat ng virus. Sa totoo lang, dapat respituhin ng sambayanan ang ating kapulisan at militar na nagpapatupad nito dahil sila ang nasa frontline ng laban sa virus kaya’t sila rin ang unang mahahawaan kapag may nasita silang positibo sa naturang sakit.

Get’s n’yo mga kosa? Ang malungkot lang, kahit anong kabutihan pa ang nasa isipan nitong gobyerno ni Digong, marami pa rin sa ating kababayan ang may sinasabing negatibo. Araguuyyy! Hak hak hak! Kahit walang gamot itong COVID eh nakuha ng mga Pinoy na magbiro, mag-away at magpakalat ng fake news sa social media, di ba mga kosa? Tumpak!

Sinabi ni Eleazar na ang PNP, bilang miyembro ng Inter-Agency Task Force on Corona Virus Disease kasama ang militar, ay nagsasagawa ng checkpoint operations para magsagawa ng screening ng mga taong labas-masok sa Metro Manila. Sa ngayon, nasa «warning mode» pa lamang ang mga tauhan ni NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas para ipaliwanag sa publiko ang tungkol sa checkpoint operations bago ito puspusang i-implement sa susunod na mga araw. Ipinahayag ni Sinas na may kakulangan ng thermal scanners ang kapulisan para magamit sa checkpoint operations, lalo na ang mga preventive equipments para magamit ng mga pulis para pangalagaan ang kanilang kaligtasan.

Subalit trabaho lang ang mga NCRPO cops natin sa 56 exit at entry points ng Metro para pangalagaan ang kaligtasan ng mamamayan at hindi inaalintana ang kapahamakan sa buhay nila. Araguuyyy! Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Kaya imbes na kamuhian at pagalitan itong nga pulis at militar dapat tratuhin natin silang mga modern heroes, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Tulad ng maximum tolerance sa mga protest rallies, hinikayat din ni Eleazar na medyo habaan na rin ng mga pulis ang kanilang pasensiya sa pagpatupad ng checkpoint operations para hindi na madagdagan ang mga naramdamang panic ng Metro Manilans sa kasagsagan ng COVID. Nanawagan naman sa publiko si Eleazar na sundin na lang ang mga alituntunin ng ipinalabas ng gobyerno para maiwasan ang hindi pagkaintindihan na hindi magdulot ng maganda sa panahon ng krisis sa ngayon. Get’s n’yo mga kosa? Abangan!

RIGHTS TO LIFE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with