^

Punto Mo

Economic relief para sa workers na apektado ng Metro lockdown

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NANAWAGAN si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate para sa economic relief para sa mga manggagawa at mga pamilya na apektado ng isang buwang community quarantine na ipinataw sa National Capital Region o NCR.

“Sa minimum dapat may moratorium sa mga bayarin sa kuryente at tubig o mas maigi pa dapat may isang buwang subsidy para sa mga utility,” birada ni Zarate.

Tirada ni Zarate, isang buwang halaga ng suweldo ay dapat ding subsidized ng pamahalaan o ng kumpanya at ibigay sa mga manggagawang apektado ng lockdown. Ganito rin ang dapat gawin para sa mga pamilya sa informal sector.

“Ang karagdagang P1,000 pension ng SSS ay dapat na ngayon ibigay dahil ang mga matatanda ang pinakamadaling kapitan sa COVID-19. Ang social pension ay dapat ding agad na nadagdagan ng hindi bababa sa P500,’’ ani Zarate.

Banat ni Zarate, higit pa rito, ang hazard pay o double salary ay dapat ibigay sa frontline na taga­tugon sa COVID-19 cases pati na rin ang mga mamamahayag na kumokober sa mga kaso, mga basurero na araw-araw na  ginagawa ang mga koleksyon sa basura at iba pang mga trabaho na kinakailangan upang panatilihin ang NCR na malinis at sanitized.

“There should also be a moratorium on house and office rentals as well as tax collections. A suspension and transfer of set schedules in March to April for   appointments in government offices like passports, visas, etc. These measures should be done so that workers would not have to risk their lives and health just to eke out a living,’’ dagdag ni Zarate.

vuukle comment

ECONOMIC RELIEF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with