Pamilya na positibo sa COVID, binabantaan?
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - March 16, 2020 - 12:00am

MASAKIT para sa miyembro ng pamilya ng mga namatay sa COVID-19 na hindi man lang nila makita o makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay dahil sa payo ng mga doktor upang maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit. Kahit masakit ito para sa naiwang pamilya ng mga pumanaw na, inuunawa nila ito hindi lang para sa kaligtasan nila kundi ng marami pang mga Pinoy. Ang malungkot lang, nawalan na nga sila ng mahal sa buhay, aba kung anu-anong maling balita pa ang kumakalat sa social media at ang matindi n’yan nakatanggap pa sila ng pangungutya o pananakot. Kaya nga sinasama rin ng Department of Health (DOH) sa publiko na labanan di lamang ang COVID kundi pati ang stigma na dulot nito. Siyempre, ikinalungkot ng DOH ang nangyayaring stigma or masamang pagtingin ng mga tao sa nagkakaroon ng COVID. Maling-mali kasi na yurakan ng madlang people ang kanilang pagkatao dahil lamang sa sila ay nagkaroon ng sakit na hindi naman nila kagustuhan. Tumpak!
Tumulong tayo mga kosa na labanan ang stigma na dulot ng COVID sa mga nagpositibo sa natu-rang sakit ha? Kaya imbes na tuligsain ang mga pagkakamali ng gobyerno, sumunod na lang tayo sa mga alituntunin nito dahil ang kapakanan naman ng sambayanan ang prioridad nila. ‘Wag muna tayong mag-debate tungkol sa human rights dahil ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ng PNP Deputy for Operations, ang importante ay ang mailigtas ang human lives. T’saka na lang uli kayo magbangayan mga kosa kapag tapos na ang problemang dulot ng virus. Get’s n’yo mga kosa?      
Patuloy na tumataas naman araw-araw ang bilang ng namatay at positibo sa virus kaya’t inilagay ni President Digong sa lockdown sa Metro Manila para makatulong na masupil ito. Subalit imbes na magkaisa para labanan ang virus na wala pang gamot, aba hindi pa Rin tumitigil ang mga urot at anti-DDS sa pagbatikos ng ginagawa ng gobyerno. Kapag pamilya na nila ang tatamaan ng virus tsaka lang siguro sila matatauhan. Ano ba ‘yan?
Para maiwasan ang COVID, nakakalungkot man ngunit kailangan natin munang magpaalam sa nakaugaliang pagmamano ng kamay at «beso beso» sa ating mga minamahal sa buhay para maiwasan ang pagkalat ng virus. Ayon sa mga health expert mag-observe na din tayo ng no «touch policy» at umiwas muna tayo sa pakikipagkamay, kasama na rito ang paghalik ng kamay o pagmamano at gawin na laman ay fist bump o kaya ay elbow bump. Magkulong na lang sa bahay dahil kalimitan sa mga na-expose sa COVID ay sa mga matataong lugar tulad ng mall at iba pang gatherings. Sumunod tayo sa mga pinag-uutos ng ating DOH dahil kailangan ang tulong ng bawat isa upang ating mapuksa ang sakit na ito. Ayon sa Wolrd Health Organization (WHO) kakayanin nating mapigilan ang pagkalat ng COVID kung agarang matutukoy kung sino ang infected upang ito ay mabigyan ng lunas at hindi na makapanghawa pa sa kapwa nating Pinoy. Ang bawat isa sa atin ay may responsibilidad din upang makatulong sa gobyerno at protektahan ang ating sarili mula sa sakit na ito. Abangan!

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with