Sarado muna pansamantala ang BITAG Action Center
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - March 14, 2020 - 12:00am

PARA sa kapakanan ng lahat, hindi muna tatanggap ang BITAG ng mga reklamo’t sumbong sa aming action center. Nag-abiso na rin kami sa building management ukol dito.

Ang tanggapan ng BITAG ay matatagpuan sa Timog. Nasa balita kamakailan na isang dayuhang naninirahan sa isang condo sa Timog ang nagpositibo sa COVID-19.

Layunin naming makaiwas sa lumolobong bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. Mabuti nang sumunod sa mga pag-iingat tulad nito dahil hindi biro ang banta sa kalusugan ng coronavirus.

Ito’y alinsunod din sa utos ng Department of Health na iwasan ang anumang uri ng social contact upang hindi tuluyang lumaganap ang virus.

Idineklara nang pandemic ang COVID-19, tunay nang nakakabahala. Kaya kinakailangan ng dobleng pag-iingat.

Bagama’t sarado pansamantala ang aming action center, tuloy pa rin ang serbisyo publiko ng BITAG. Bukas ang aming mga Facebook pages para sa inyong mga sumbong.

Maaaring ipadala ang detalye ng reklamo sa BITAG Live, BITAG Multimedia Network, Ben Tulfo Unfiltered at Pambansang Sumbungan. Regular na nakaantabay ang aming mga investigators para tumugon sa anumang katanungan at sumbong, online.

Ipagdasal nating lahat sa Poong Maykapal na maisagawa ng ating pamahalaan ang mga nararapat na hakbang. Ang babala ay sa kinauukulan, ang pag-iingat ay nasa ating lahat.

Nawa’y maging handa ang bawat Pilipino lalo ang pamahalaan sa napipintong mas matinding hamon ng COVID-19.

Muli kaming mag-aanunsiyo sa kolum na ito, sa aming mga Facebook Pages at maging sa programa namin sa telebisyon.

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with