Pamilya sa Australia, aksidenteng naka-order ng 48 kahon ng toilet paper sa halip na 48 rolyo
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - March 13, 2020 - 12:00am

ISANG pamilya sa Australia ang mayroon ngayong AUD 2,153.78 (katumbas ng P70,000) halaga ng toilet paper matapos ang isang pagkakamali na naging dahilan ng pagbili nila ng 48 kahon ng mga ito sa halip na 48 rolyo lamang.

Ayon kay Haidee Janetzki ng Toowoomba, umorder siya online ng 48 rolyo ng toilet paper, ngunit nagkamali siya ng ibang klase ng toilet paper naman ang kanyang sinubukang bilhin mula sa website.

Nakaligtaan daw niyang tingnan kung anong 48 ang kanyang binibili ayon sa isang panayam kay Janetzki.

Wala tuloy siyang kaalam-alam na 48 na kahon na pala ng toilet paper ang kanyang inorder kaya naman gulat na gulat siya nang dumating ang taksan-taksang toilet paper sa kanilang bahay.

Bunsod ng panic bu-ying na dulot ng COVID-19 scare, hindi naman nanlumo si Janetzki sa kanyang pagkakamali dahil hindi naman sila nahihirapang ibenta ang mga toilet paper na pinatungan pa nila ng tubo sa kanilang mga kapitbahay.

AUSTRALIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with