Kapag may inagrabyado, reresbak ang BITAG!
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - March 12, 2020 - 12:00am

KAHIT nasaang lupalop ng Pilipinas ang inirereklamo, pupuntahan ng BITAG. Walang malayo o malapit sa amin alang-alang sa mga humihingi ng tulong.

Kamakailan, lumipad ang BITAG Investigative Team sa Lapu-Lapu City, Cebu para komprontahin ang inirereklamong dating amo ng isang all-around boy. Sinimot daw kasi ng babaing amo ang P43,000 na laman ng ATM card ng biktima.

Nahamon akong puntahan ang amo lalo’t nagbingi-bingihan ito sa telepono nang tawagan ko para kunin ang kanyang panig.  Dalawang bagay ang aming layunin, makaharap ang inirereklamo para sagutin ang reklamo at bigyan ng katarungan ang sinapit ng nagrereklamo.

Nagulat man nang makaharap ako sa Lapu-Lapu Police Station, inamin ng kolokay na nasa kanya noon ang ATM card ni Manong. Tulad ng inaasahan, itinanggi nito ang akusasyon at sinabing ibinalik na sa anak ang ATM card ng matanda. Sinungaling man, pinigilan ko ang sarili na maging barubal dahil babae at malumanay magsalita ang aking kaharap.

Ganunpaman, naipaliwanag ko sa kanya ang katotohanan, may kaparusahang naghihintay oras na mapatunayan ang kanyang ginawa. Hindi na pambarangay ang ganitong klase ng reklamo dahil may krimeng nangyayari, maituturing na ito’y qualified theft. Kaya nakipagtulungan ang Lapu-Lapu police para sana’y masampahan ng kaukulang kaso ang amo.

Eto ang pinaka-ayaw ko, dahil ayaw niyang masampahan ng kaso ay pilit inaareglo si Tatang.  Kaya raw niyang magbayad ng P300 kada buwan, tumatawad naman si Manong dahil masyadong mababa ito.

Ikinakainit ng ulo ko kapag pera na ang pinag-uusapan. Hindi kami kolektor o accountant na tagakuwenta’t tagakuha ng pera ninuman.

Hindi lumipad ang BITAG sa Cebu para makipag-areglo lamang. Kaya sa nangyaring ito, tinalikuran at iniwan na ng BITAG ang dalawa. Trabaho namin ang mamBITAG at hindi kami nakikipag-areglo sa taong naagrabyado. Layunin naming turuan ng leksiyon ang mga mapang-abuso.

Uploaded sa BitagOfficial ang storyang ito para sa buong detalye. Sa mga ganitong klaseng sumbong, huwag sayangin ang panahon namin. Kung may nang-aagrabyado’t naaabuso, #ipaBITAGmo!

 

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with