^

Punto Mo

Police major, tinamaan ni Kupido!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

TINAMAAN ng payaso ni Kupido si Maj. Idelfonso Miranda, ang hepe ng Argao Police sa Cebu. Kasi nga, imbes na ikulong ni Miranda sa rehas na bakal ang 23-anyos na drug pusher na naaresto ng mga tauhan n’ya, aba ikinulong n’ya ito sa kanyang bisig. Subalit ang maiksing kaligayahan ni Miranda ay nauwi sa mapait na karanasan matapos maaresto s’ya sa akto ng mga tauhan ni Brig. Gen. Ronald Lee, ang hepe ng Integrated Monitoring and Enforcement Group (IMEG). Maaaring nabola na ni Miranda ang 23-anyos na drug pusher at hindi na ito magrereklamo laban sa kanya subalit iginiit ni Lee na may kalalagyan s’ya sa ilalim ng administrative case na Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, direct bribery at paglabag ng Article 156 ng Revised Penal Code. Sa patong-patong na kaso n’ya, t’yak na dismissal ang magiging hatol kay Miranda, ani Lee. Pag nagkataon, goodbye na lang sa P62,000 buwanang suweldo ni Miranda at sa milyones na matatanggap n’ya sa pagretiro n’ya. Araguuyyy! Hak hak hak! Nain-love kaya talaga si Miranda sa babaeng detainee o pagnanasa lang ang naramdaman niya? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Sinabi ni Lee na inaresto ng mga tauhan ni Miranda itong 23-anyos at kasamang 40-anyos sa pagtutulak ng shabu noong Nobyembre pa. Nahulog ang loob ng binatang si Miranda sa 23-anyos at makalipas ang ilang araw ay hindi na niya pinatulog ito sa karsel kundi sa kuwarto n’ya. Ang 40-anyos naman ay sa aircon na opisina n’ya naglalagi. Sinabi ni Lee na talk of the town itong relasyon ni Miranda sa detainee dahil ipinapakita niya ang pagyurak ng batas sa mga tauhan. Ang siste lang, may kasabihan tayo na ang kabuktutan ay palaging may kasamang salto at ‘yaon nga ang inabot ni Miranda. Kasi nga mga kosa, may nagreport kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa sa mahalay na ginagawa ni Miranda kaya’t inutusan ng una si Lee para dambahin siya. Matapos ang ilang araw na surveillance operation, nakorner si Miranda habang natutulog sila ng 23-anyos sa quarters n’ya samantalang ang 40 anyos ay nandon sa loob ng opisina n’ya. Huli cow! Araguuyyy! Hindi nakapalag si Miranda. Nakumpiska sa pag-iingat ni Miranda, 46, ang isang Glock 9mm pistol at Berreta pistol. Inaalam pa ni Lee kung bakit dalawa ang service firearm ni Miranda. Mariing inirekomenda ni Lee kay Central Visayas director Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro na ipasailalim sa dismissal proceedings si Miranda. Hak hak hak! Ang lahat talagang kasamaan ay may hangganan, no mga kosa?

Sa kanyang depensa, sinabi ni Miranda na ang tanging kasalanan niya ay umibig siya subalit iginiit ni Gamboa na no, no ito sa umiiral na batas ng bansa. Kaya sibak sa tungkulin ang kaparusahan ni Miranda. Araguuyyy! Hak hak hak! Hindi talaga sasaltuhin ni Gen. Lee itong mga tiwaling pulis natin, no mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!

 

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with