Dahil sa pag-aagawan sa toilet paper, diyaryo sa Australia nag-print ng mga blankong pahina
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - March 11, 2020 - 12:00am

ISANG diyaryo sa Australia ang naglagay ng mga blankong pahina sa isa nilang isyu dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa toilet paper doon bunsod ng panic na dulot ng COVID-19.

Nag-print ng walong blankong pahina ang NT News, isang tabloid sa Northern Territory ng Australia, sa isyu noong nakaraang Huwebes upang magamit itong toilet paper kung kinakailangan.

“The NT News cares” saad sa headline ng pahayagan. Makikita ring nilagyan ng disenyo ang mga pahina na katulad ng makikita sa toilet paper. Katulad din ng toilet paper at mayroon ding putol-putol na linya ang mga ito upang may tanda ang gagamit kung saan puputulin ang mga pahina.

Ginawa ito ng pahayagan bilang tugon sa hysteria na nangyayari ngayon sa Australia dahil sa COVID-19 na nagdulot ng pag-aagawan at pagkaubos ng mga karaniwang gamit sa bahay katulad ng toilet paper sa mga tindahan.

AUSTRALIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with