^

Punto Mo

Senior officer ng PNP, dawit sa droga!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MUKHANG may kalalagyan ang isang senior police  official na kasama sa 357 kapulisan na nakalista sa drug watchlist ni President Digong. Sa katatapos na adjudication sa 357 pulis, lumitaw na kasama ang senior police official sa hindi nakapasa at mukhang naebidensiyahan siya. Sa totoo lang, ang pangalan ng dalawang senior police officials ang unang nakalagay sa drug watchlist ni Digong subalit naabsuwelto ang isa sa kanila dahil walang makuhang ebidensiya. Kung sabagay, ang senior police official at iilan pa ay nakuhaan ng ebidensiya at hindi pa malaman kung mag-a-avail sila ng optional retirement na ino-offer sa kanila ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa. May kumagat na sa optional retirement dahil sa ganitong paraan makukuha nila ang full benefits nila. Kaya lang sa pagretiro nila, wala nang pakialam ang PNP kung ano man ang mangyayari sa buhay nila. Araguuyyy! Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Kung sabagay, mahaba rin naman ang pinagserbisyuhan ng mga pulis kaya nararapat lang na makuha ang premyo nila, ‘di ba mga kosa?

Sa totoo lang, imbes na bumuo ng inter-agency task force si Gamboa, pinakiusap niya kay Digong na sila na mismo sa PNP ang mag-imbestiga sa drug watchlist niya. Pumayag naman si Digong tutal ang PNP lang ang may kakayahan at may record tungkol sa mga assignments ng 357 pulis na nasa listahan. Ayon sa mga kosa ko sa Camp Crame, ang senior police officer ay paikut-ikot lang ang assignment sa Visayas kung saan isa sa nakahalubilo niya ang drug kingpin na si Kerwin Espinosa. Hindi masabi ng mga kosa ko kung ano ang mga ebidensiya laban sa senior PNP officer at maging si Gamboa ay ayaw magsalita maging magbanggit ng mga pangalan ng 357 na pulis. Pero iginigiit ng mga kosa ko na halos patapos na ang adjudication at ang resulta ng imbestigasyon ay baka ma-delay muna dahil ang hepe ng task force na si Maj. Gen. Mariel Magaway, ng Directorate for Intelligence (DI) ay kasama sa helicopter crash sa San Pedro, Laguna noong Huwebes. Araguuyyy! Hak hak hak! Dahil galit si Digong sa droga, mukhang walang ligtas ang mga pulis na nadawit sa droga, di ba mga kosa? Tumpak!

Kung sabagay, tahimik lang sana ang imbestigasyon ng PNP dito sa drug watchlist at napagbalingan lang ng pansin matapos mag-iingay si Lt. Col. Jovie Espenido ng Bacolod police, matapos niyang matuklasan na kasama ang kanyang pangalan sa drug watchlist ni Digong. Araguuyyy! Naayos lang si Espenido nang maging si Digong mismo at ang PRO6 ang naglinis ng kanyang pangalan. Nagbanta si Gamboa na iimbestigahan si Espenido dahil sa media niya dinala ang hinaing dahil ang watchlist ni Digong ay internal matter ng PNP. Anyare na Gen. Gamboa Sir? Ang 357 pulis ay ibinalik na sa kani-kanilang assignments habang hinihintay ang premyo nila mula kay Digong. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with