^

Punto Mo

Ang pulitika sa Navotas

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MAY mga kritiko si Na-votas Mayor Toby Tiangco ang naglabasan para ikuwento ang mga malungkot na naging karanasan nila sa pulitika sa Navotas.

Ayon sa ilang residente sa Navotas, si Tiangco at ang kanyang kapatid ay nanggigipit diumano sa mga taong lalaban sa kanila?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Tulad halimbawa ang nangyaring kaso kay Danny Ang, ang ama ng isang kandidato para konsehal ng lungsod noong 2016, si Ang,  ay nasintensiya ng dalawang taon pag-kabilanggo para sa kasong grave coercion dahil sa ginawang paninita nito sa diumano vote-buyer, na si  Roderick Bernal, na sinasabing isang Tiangco supporter.

Kamangha-mangha ang kaso, dahil  isinasaalang-alang na isa lang daw itong minor case na puede sanang pag-usapan na lamang ng dalawang panig dahil umano sa minor offense lamang ang nangyari ?

Si Ang ay sinasabing out on probation.

Isang Barangay Kagawad na si Amor Prades ng Barangay NBBN, iniulat na inaresto diumano ang isang pinaghihinalaang vote buyer na si Gaspar Bucatacat, sa Navotas port area ang inilipat sa pag-iingat ng Maritime Police.

Ayon sa mga ulat, si Prades, kasama ang mga kinatawan ng media mula sa TV5 at Remate, ay kinapanayamin si Bucatcat tungkol sa paratang ng vote buying, kung saan inamin umano ni Bucatcat ang nasabing akusasyon.

Sinasabing nanghimasok diumano ang magkapatid na Tiangcos para pakiusapan diumano si Prades para huwag ng ituloy ang kaso laban sa suspected vote-buyer kung hindi ay siya ay sasampahan ng kidnapping case  kahit na si Bucatcat ay umamin na siya ay kusang sumama sa kanyang mga apprehending officer.

Matapos ito ay inabisuhan si Prades ng unlawful arrest  kaugnay sa insidente na isinampa laban sa kanya.

Sa isa pang kaso na kinasasangkutan ng isang barangay chairman, George So, ay iniulat na hinatulan kasong slight physical injury ng isang diumano’y supporter ni Tiangco.

Marami pang diumano’y pangyayari sa Navotas na kinasasangkutan diumano ni Tiangco. 

Kapos ang kolum natin.

Abangan.

vuukle comment

NAVOTAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with