^

Punto Mo

COVID-19, lumalala?

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

BINIGYAN ng gobyerno ng Philippines my Philippines ng tig-P10,000 bilang livelihood assistance ang madlang Pinoy, umabot sa P84 million ang naibigay na funding para sa mahigit 8,000 OFW’s na naapektuhan ng COVID-19.

Sabi nga, Hong Kong, China, Macau at Taiwan. May inabot ding tulong sa mga taga-Diamond Princess cruise ship na naka-quarantine diyan sa Tarlac.

Kambiyo issue, hindi biro ang nakamamatay na sakit na coronavirus disease 19 o COVID-19 kapag tumama ito sa madlang people dahil wala itong pinatatawad mapa-bata o matanda, babae o lalaki, bakla o tomboy, guwapo o pangit, may baktol o wala kapag napabayaan dedbol ang pasyente.

Hindi lang mga taga-China ang may COVID-19 dahil kumalat na rin ito sa buong mundo matapos mahawa ang madlang people.

Sa katunayan may 86 madlang Pinoy abroad ang positive sa COVID-19.

Sabi nga, 80 ang nadale sa Diamond Princess cruise ship pero ang mga ito ay pagaling na rin matapos sila i-quarantine sa Japan.

May mga Pinoy din sa UAE, Hong Kong at Singapore ang tinamaan ng sakit kaya naman pinag-iingat lahat ang mga kababayan natin sa abroad,

Hindi naman biro ang natigok sa COVID-19 abroad at sinasabing marami pa ang na dedbol sa China.

May 88,000 ang nahawa sa virus at kumalat na sa mahigit 50 bansa makaraang unang sumulpot sa China last year.

Ang South Korea lumalaki rin ang bilang ng mga nagkakasakit ng COVID-19 kaya naman may mga airlines companies ang nagkansela ng kanilang biyahe papunta rito at pabalik ng Philippines my Philippines.

Mayroon na rin natigok sa Iran, US of A at Australia.

Paano kaya ito?

Bumalik kaya sa normal ang mundo regarding sa COVID-19?

Abangan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with