EDITORYAL - I-drug test ang truckat jeepney drivers

EDITORYAL - I-drug test ang truckat jeepney drivers

(Pang-masa) - March 4, 2020 - 12:00am

DATI, bago makakuha o maka-renew ng driver’s license, kailangan ay mag-present ng urine sample para ma-test kung nagdudroga. Pero inalis iyon dahil ugat ng corruption sa Land Transportation Office (LTO). Nasusuhulan ang mga taga-LTO kaya nakakakuha rin ng lisensiya kahit nagdudroga.

Nang inalis ang drug test, may epekto rin dahil dumami ang mga truck at jeepney driver na nagsa-shabu. Maraming pasahero at pedestrians ang nalagay sa peligro ang buhay dahil ang drayber ay addict. Maraming truck at jeepney drivers ang lulong sa shabu. Namamasada ang mga driver na ito na kargado ng shabu at lubhang delikado sapagkat nananagasa ng mga tumatawid na pedestrians at mga naghihintay na pasahero. At ang laging katwiran nila: nawalan daw ng preno.

Ganito ang nangyari noong Pebrero 12 makaraang araruhin ng jeepney ang mga tumatawid na estud­yante sa J.P. Rizal St., Makati City na ikinamatay ng 1 at ikinasugat ng 7 iba pa. Namatay si Jules Villapando, Grade 8 student sa Gen. Pio del Pilar High School.

Naaresto ang driver na si Crisalde Tamparong at idinahilan na nawalan ng preno ang minamanehong jeepney kaya nasagasaan ang mga estudyante. Nang isailalim sa drug test si Tamparong, nadiskubreng nagsa-shabu siya. Bago raw pumasada ay gumagamit siya ng shabu. Nalaman din na wala siyang driver’s license sapagkat nakumpiska na sa rami ng traffic violations. Nakakulong na si Tamparong dahil sa mga isinampang kaso sa kanya at ganundin sa paggamit ng droga.

Ang malagim na pangyayaring iyon ang naging daan para magsagawa ng random drug testing ang Makati police at Land Transportation Office (LTO) sa mga jeepney drivers na bumibiyahe sa lungsod. Iba’t ibang lugar ang pinuwestuhan ng mga pulis at LTO at sorpresang pinara ang mga jeepney at isinailalim sa drug test ang drayber. Pitong jeepney drivers ang nagpositibo sa paggamit ng shabu. Idinetain sila sa Makati police station habang inihahanda ang kaso.

Kamakailan, isang truck ang umararo sa tindahan ng mga drum sa Taytay, Rizal at 1 ang namatay. Katwiran ng truck driver, nawalan siya ng preno. Maraming beses nang nangyaring ganito sa Taytay at ang laging alibi, nawalan ng preno ang truck.

Isailalim sa drug testing ang truck at jeepney drivers. Kung hindi sila isasailalim sa drug test, nasa panganib ang pedestrians at mga pasahero. Sorpresa silang i-drug test para hindi makalusot.

 

DRUG TEST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with