^

Punto Mo

Pagbabanta ni Danao, titigil ang sugal sa Calabarzon?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

ABO’T LANGIT na naman ang pagbabanta ni Calabarzon police director Brig. Gen. Vicente Danao na uubusin niya ang illegal gambling sa kanyang nasasakupan. Sinabi ng mga kosa ko na balik na naman sa dating gawi si Danao at ginagaya niya ang pagbabanta ng among si President Digong. Ang maigi lang kay Digong, kapag nagbabanta o nagmumura, aba naglalabas ng bilyones na pitsa ang mga oligarch subalit dito kay Danao eh wala naman tayong mapapala. Araguuyyy! Puro hangin lang ang binitiwan ni Danao at depensa sa pagkukulang ng liderato niya sa mga kautusan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa versus pasugalan. Kung minsan lang ginawa ni Danao ang pagbabanta n’ya, baka maniwala pa ako subalit sa sobrang dami na nito eh parang utot na lang na lumipas. Araguuyyy! Kung sabagay, nagbanta rin si Danao na gagawin niyang alay ang vice mayor ng isang lugar sa Batangas sa kasagsagan ng Taal eruption. May nangyari ba? Puro daldal lang si Danao at kulang sa aksiyon, ‘di ba mga kosa? Imbes kasi na magbanta, dapat ang ginawa ni Danao ay utusan ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng malawakang kampanya versus pasugalan, lalo na ang mga bookies ng Small Town Lottery (STL) at ipakita sa madlang people ang accomplishments niya. Subalit ilang araw nang nagtalsikan ang laway ni Danao, may nahuli ba ang mga tauhan niya na malakihang pasugalan, ‘di ba Maj. Rix Villareal, RSOG chief Sir? Kaya dapat utusan ni Gamboa ang Integrated Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ni Brig. Gen. Ronald Lee na ikutan ang Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, at Quezon para malaman kung may laman itong pagbabanta ni Danao? Araguuyyy! Hak hak hak! Bakit ngayon lang nagbanta versus pasugalan si Danao, hindi noong bagong upo pa lang s’ya?

Idinugtong pa ni Danao sa pagbabanta niya na gagayahin ang ginawa sa Maynila kung saan nagsarahan ang pasugalan. Mukhang si Danao lang ang naniniwala sa mga sinasabi niya dahil putok naman sa Maynila na kaya nagsarahan ang mga sakla-patay, peryahan at iba pang sugal ay dahil sa utos ni Mayor Francisco Domagoso. Parang pulitiko rin pala si Danao na nang-aagaw ng accomplishments para maging sikat, di ba mga kosa?

Nahulihan na ng mga tauhan ni CIDG chief Director Jigs Coronel ng 17 katao sa raid ng jueteng joints sa Cavite si Danao at dalawang matagumpay na raid pa at tiyak may kalalagyan siya. Sa pagbabanta niya versus pasugalan, parang hinahamon pa ni Danao si Gamboa na “come and get me,” di ba mga kosa? Araguuyyy! Kung sabagay, mas buwenas si Danao dahil nahulihan na nga sa jueteng raid eh andyan pa siya sa puwesto, di tulad ni Brig. Gen. Val de Leon na sibak kaagad bilang Central Visayas police chief kahit puro tsismis pa lang ang ebidensiya laban sa kanya. Abangan!

 

vuukle comment

DANAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with