^

Punto Mo

Si QC Mayor Joy Belmonte at ang COVID-19

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

UMARANGKADA na ang Quezon City government para sa pagsasanay ng mga village health workers na mga local first responders sa paghawak ng nakakahawang sakit tulad ng coronavirus 2019 o COVID-19.

Ang mga miembro ng Barangay Health Emergency Teams Response o BHERT mula sa 20 barangay ang tinuruan kung paano ang tamang paggamit ng mga personal protective equipment  upang maiwasan ang panganib ng impeksyon.

Ang pagsuot ng PPEs ay upang tiyakin na ang responder ay ganap na protektado mula sa mga posibleng kontaminasyon ng nakakamatay na virus.

Dahil sa nakakatakot na sakit na ito na sumiklab na sa buong mundo, iniutos si Kyusi Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng PPE kits sa mga barangay.

Ang bawat PPE kit ay naglalaman ng mga anti-fog goggles, disposable latex gloves,  dispo­sable plastic shoe cover, disposable coverall, disposable surgical gown, N95 face mask, disposable surgical mask at disposable cap.

Ang mga pagsasanay ay isinagawa matapos maglaba este mali maglabas pala si Interior Secretary Eduardo Año, ng isang memorandum order sa mga local chief executives na i-activate ang BHERTs upang tugunan ang COVID-19 outbreak. Ang DILG circular ay nag-uutos na gawin ng BHERTs na bi­sitahin ang mga tahanan ng madlang people na nagmula sa mga bansang apektado ng corona virus diseases at ilista ang mga pangalan ng mga tao na ang traveler ay nagkaroon ng contact sa kanila.
Inatasan ang BHERTs na agad ihiwalay ang isang pinaghihinalaang coronavirus carrier sa isang kuwarto na layo mula sa mga miembro ng pamilya at sabihin sa mga lokal authorities sa pagdala nila sa mga ito sa pinakamalapit na healthcare facility na may kakayahan hawakan ang nasabing kaso.

Sabi nga, kailangan tayong magtulungan, maging ligtas at maayos ang barangay para huwag tayong dapuan ng corona virus disease sa ating lugar.

Ang novel coronavirus, ay pinaniniwalaan nagmula sa mga Intsik dyan sa lungsod ng Wuhan, China, may 83,000 madlang people sa buong mundo ang na infect dito.

Sabi nga, ang mabilis na pagkalat ng sakit ay pumatay ng 2,800 madlang people na ang karamihan ay taga - China.

Nabubulabog ang buong mundo dahil sa virus na kumakalat sa ngayon.

Ano kaya sa palagay ninyo ang dapat gawin ng madlang people sa buong mundo?

Abangan.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with