^

Punto Mo

Prangkisa ng STL sa Cavite, suspendido!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SUSPENDIDO pala ang prangkisa ng Small Town Lottery (STL) ni Cesar Areza sa Cavite dahil hindi ito nakapagbayad ng halos P150 milyon na Presumptive Monthly Retail Receipt (PMRR) sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Matapos maipasara ni President Digong noong nakaraang Oktubre, pinayagan si Areza na magbukas sa loob ng tatlong buwan para may pambayad siya sa pagkakautang. Sa tatlong buwan, sinabi ng mga kosa ko na kumita si Areza ng aabot sa P91 milyon subalit ni singkong duling ay wala siyang ni-remit sa PCSO ni General Manager Royina Garma. Araguuyyy! Napaso ang prangkisa ni Areza noong Peb. 15 at pumasok sa Cavite ang grupo ni Capt. Carling, na nagpakilalang pamangkin ni Calabarzon police director Brig. Gen. Vicente Danao Jr. at nagulo ang tabakuhan sa probinsiya. Sa totoo lang, si Capt. Carling ay isa sa pitong nag-apply ng STL franchise sa Cavite sa PCSO. Sinabi ng mga kosa ko, na hindi pa nanalo sa bidding si Capt. Carling subalit pinuwersa niya ang Cavite dahil sa super bagyo ang padrino niya sa katauhan ni Danao, na tuta naman ni Digong. Ayon pa sa mga kosa ko kahit nanalo pa sa bidding si Capt. Carling, mga anim na buwan pa bago niya maikasa ang mga draw court nito sa mga bayan-bayan, at may tatlong buwan pang inspection ito sa kamay ng taga-PCSO. Bale sa Enero pa sa susunod na taon puwede mapag-operate si Capt. Carling ng legal kapag nanalo siya sa bidding. Subalit gamit din ang collection card ng PCSO, nag-umpisang mag-operate ng jueteng si Capt. Carling sa Cavite at hayun na-pong siya ng mga tauhan ni CIDG chief Director Jigs Coronel at 17 katao nito ang naaresto. Araguuyyy! Hak hak hak! Kaya kahit di pa nakaporma sina Areza at Capt. Carling sa Cavite, naggerilya naman si Jun Toto sa Dasmariñas. Sayang din ang kita, di ba mga kosa?

Hindi lang naman kasi mga pulis lang ang nakikinabang sa jueteng dahil maging ang mga pulitiko. ‘Ika nga, it takes two to tango talaga! Sinabi ng mga kosa ko na sa Cavite City ang lagay sa mga executives ay P25,000; sa Naic P35,000; Tanza at Gen. Trias P100,000; Silang P30,000; Dasmarinas P23,000; Baulen P7,000; GMA P20,000; Indang P70,000; Kawit P5,000; Magallanes at Maragondon P25,000; Mendez at Alfonso P35,000; Noveleta P5,000; Rosario P40,000; Tagaytay P30,000; Amadeo P15,000, at Ternate P12,000.  Tulad ng mga opisyales ng PNP, hindi naman binubulsa ng mga pulitiko ang pitsang galing sa jueteng dahil ginagastos din nila ito sa tinatawag na KBL o kasal, binyag at libing. Dahil naghigpit sa sugal lupa, pati na ang sakla-patay si PNP chief Gen. Archie Gamboa, aba humaba ang pila ng mga mahihirap sa mga munisipyo ng Cavite para humingi ng tulong sa pagpalibing ng kanilang mga namatay na kamag-anak. Kung sa PNP may extrang pondo para i-sustain ang operation nila sa kriminalidad, eh sa mga pulitiko wala at kapag nagkamali sila aba puwede silang kasuhan ng plunder. Araguuyyy! At kung aabutin ng 6 months ang kampanya ni Gamboa vs pasugalan, aba ano ang gagawin ng mga kubrador na walang ibang pagkakitaan? Balik tulak ng shabu? Abangan!

vuukle comment

SMALL TOWN LOTTERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with