^

Punto Mo

Iwasang magalit para humaba ang buhay?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NAKAKAPAGPAHABA nga ba ng buhay ang pag-iwas na magalit?

At para maiwasang magalit, dapat maging mapagpasensiya ka, magpakahinahon sa anumang sitwasyon, magpakatimpi sa lahat ng sandali, maging kalmado at lawakan ang pang-unawa.

Hindi naman ipinaliwanag sa ulat kung paanong nagagawa ng 112-anyos na Hapones na si Chitetsu Watanabe ng Niigata, Japan na maiwasang magalit at paano niya ito nagagawa.

Sinasabi kasing ang sekreto ni Watanabe sa mahaba niyang buhay ay ang laging nakangiti at hindi siya nagagalit at hindi nagtataas ng boses.  

Hanggang noong Pebrero 7, 2020, batay sa isang ulat ng Global News, si Watanabe ang idineklara ng Guinness World Record na pinakamatandang lalaki sa buong mundo sa edad niyang 112 taon at 344 araw na anyos. Ipinanganak siya sa northern Japan noong Marso 5, 1907. Siya ang pumalit sa trono ng naunang record-holder (bilang pinakamatandang lalaki)  na si Masazo Nonaka na isa ring Hapones at namatay noong Enero ng taong ito. Ang pinakamatandang babae naman at itinuturing na pinakamatandang tao sa buong mundo sa kasalukuyan  ay isa ring Haponesa na si Kane Tanaka na may edad na ngayong 117 taong gulang.

Ayon sa manugang ni Watanabe na si Yoko na asawa ng panganay niyang si Tetsuo, 50 taon na niyang kasama sa bahay ang kanyang biyenan pero hindi niya ito nakikitang nagtataas ng boses o nagagalit. Mapagkalinga rin ito.

Sa palagay pa ni Yoko, nakakatulong para laging nakangiti si Watanabe ang lagi nitong pakiki-‘bonding’ sa mga apo nito at apo sa tuhod.

Nabatid na nasa isang retirement home na nakatira si Watanabe pero lagi niyang inaabala ang sarili sa origami, calligraphy at math exercise, ayon pa sa Guinness World of Records.

Bagaman sa ibang panig ng mundo ay meron na ring mga tao na umaabot na sa mahigit 100 taong gulang ang edad, tila nangingibabaw dito ang mga Hapones na ang tradisyong pagkain ay isda, kanin, gulay at iba pang pagkaing mababa sa fat. Nananatili ring aktibo ang mga Hapones sa edad na 80 anyos at higit pa.

Gayunman, bagaman si Tanaka ang pinakamatandang lalaki na nabubuhay sa ngayon, kulang pa siya ng anim na taon bago makuha ang record ng naging pinakamatandang tao sa mundo na si Jeanne Louise Calment ng France sa nagdaang 22 taon. Namatay si Calment sa edad na 122 taong gulang noong 1997.

• • • • • •

Email: [email protected]

BUHAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with