^

Punto Mo

‘Fake news’ sa narcolist?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na nga at papanagutin ng pamunuan ng PNP ang mga sangkot sa pagpapakalat ng ‘fake news’ sa loob mismo ng command.

May kaugnayan ito sa mga parak na nakasama sa narcolist ni Pangulong Digong.

Biruin mong pati pala ang PNP na siyang tumutugis sa mga nagpapakalat ng ‘fake news’ eh siya ngayong mistulang naging biktima nito.

Sinisimulan na ang imbestigasyon ukol dito, ayon nga kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac.

Hindi umano inaalis ng PNP ang posibilidad  na ang ilan sa 356 pulis na nasa narcolist   ay biktima ng ‘fake news’.

At ang nakikitang  posibleng mga dahilan dito ay  inggitan o ‘di naman kaya ay nagkakasaga-saan sa isa’t isa o kaya ay personal na galit at gustong gantihan ang kanilang kasamahan na idinadaan sa ganitong mga pagpapakalat ng maling report.

Lumutang ang ganitong mga teorya makaraang masangkot o makasama sa listahan ng mga pulis na dawit sa droga si Col. Jovie Espenido.

Kung may nagbibigay ng mga maling ulat o intelligence report, dapat talaga itong mabusisi nang husto dahil mapanganib ito, lalo na sa law enforcement sa kanilang mga imbestigasyon at operasyon sa hinaharap.

Ito rin umano ang dahilan kung bakit hindi maihayag ng PNP ang pangalan sa listahan habang hindi  pa naba-validate at nalalaman  ang katotohanan.

Sa ngayon ay patuloy ang adjudication process ng PNP at kung tuluyan nang malinis ang listahan , aalaming mabuti kung paanong naisama ang pangalan ng mga napawalang salang pulis sa listahan.

Kailangan na may managot, dahil posibleng maging batik na naman ito sa command na ngayon nga ay nagsisikap na malinis nang husto ang kanilang hanay sa mga pasaway.

 

 

vuukle comment

FAKE NEWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with