^

Punto Mo

PNP, may sapat na pondo sa war vs kriminalidad!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MAY katwiran palang maglunsad ng malawakang kampanya sa illegal gambling si Philippine National Police (PNP) Gen. Archie Gamboa at hindi dapat mag-iyakan ang “line units” sa ibaba dahil sa kakulangan ng pondo. Ang balitang umiikot kasi, maaapektuhan ang kampanya ni President Digong laban sa droga dahil halos 90 percent ng pasugalan sa bansa ay sarado kaya walang mapagkukuhanan ng pondo ang operating units sa ibaba. Sinabi ng mga kosa ko na dinoble na ni Digong ang suweldo ng pulis para hindi sila mamalimos sa gambling lords. Hindi lang ‘yan? Itinaas na rin ang tinatawag na Monthly Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) mula sa 1-P1,000 to 1-P1,390 para may magamit na pondo sa mga lakad o trabaho ng mga pulis. Itong MOOE mga kosa ay tinawag na direct release dahil mula sa Department of Budget and Management (DBM) direkta itong nire-release sa mga regional directors at hindi na dumadaan sa Camp Crame. On top of that, may dina-download pa ang Camp Crame na intel, at ISO funds at iba pang pitsa. At para ipairal ang transparency, nag-iikot si Director Jovic Ramos, hepe ng Directorate for Comptrollership ng PNP sa line units para i-audit ang mga pondong dina-download sa kanila. Araguuyyy! Hak hak hak! Iba naman ang pondo para sa war vs droga ni Digong kaya walang problema ang PNP sa pitsa.

Sa totoo lang, nasa tamang landas si Gamboa sa kampanya laban sa pasugalan para maitaas naman ang imahe ng kapulisan na durog na durog na dahil sa mga kasong kinasangkutan ng “ninja cops”, extortion, kidnapping at iba pang krimen. Sa tingin ko naman, kapag nailayo ni Gamboa ang kapulisan sa illegal gambling kasama na ang internal cleansing, tataas na ang pagtingin ng sambayanan sa mga pulis. Kung sabagay, hindi uubra ang sugal sa isang lugar kapag walang pakimkim sa kapulisan. Halimbawa sa jueteng sa Cavite, ang para sa chief of police ng Naic ay P12,000; sa Tanza ay P25,000; Silang, P30,000; Gen. Trias, P35,000; Carmona at Dasmariñas, P12,000; Baulen, P6,000; GMA, P10,000; Imus, P7,000;  Tagaytay City at Indang, P20,000; Kawit at Noveleta, P3,000; Magallanes, Rosario at Mendez, P15,000; Maragondon, P14,000; Alfonso, P18,000; Amadeo, P8,000; Ternate, P6,500; Bacoor, P5,000 at Cavite City, P7,500. Siyempre, mas malaki dyan ang natatanggap ng provincial director at sobrang laki naman ang para sa opisina ni Calabarzon police director Brig. Gen. Vicente Danao, ayon sa mga kosa ko. Araguuyyy! Pero lilinawin ko mga kosa na hindi naman napupunta sa bulsa ng COP ang lahat ng pitsa dahil ibinabalik din nila sa kalye sa pamamagitan ng mga operation vs kriminalidad. Kasi ang pitsa na ‘yan ay gagastusin para pangkain ng mga operating unit tulad ng intel at iba pa at kasama riyan ang pang-allowance ng mga tropa. At ang sobra pa riyan ay allowance ng mga opisyal at iba pang pinagkatiwalaang tauhan. Kaya kapag maraming accomplishment ang isang police station o mga operating unit, ang ibig sabihin niyan maluwag ang kamay ng hepe nila. Tumpak! Hak hak hak! Kapag  kuripot naman ang hepe, palagi silang bokya. Abangan!

vuukle comment

KRIMINALIDAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with