EDITORYAL – Kampanya laban sa obstructions
EDITORYAL – Kampanya laban sa obstructions
(Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

NOONG nakaraang taon, nagbigay ng ultimatum ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa local government units (LGUs) na linisin sa lahat nang sagabal ang kalsada para mapaluwag ang trapiko lalo na sa Metro Manila. Ang direktiba ng DILG sa local executives ay nagmula naman sa utos ni President Duterte. Binigyan ng 60-araw ng DILG ang mga mayor na linisin sa obstructions ang kanilang nasasakupan.

Na-inspired kasi ang Presidente sa ginawa ni Manila mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na paglilinis sa Divisoria, Recto, Echague, Quiapo at iba pang masisikip na lugar kaya ipinag-utos ang pag-aalis sa lahat nang obstructions. Naging modelo si Domagoso sa clearing operations. Kung nagawa sa Maynila, magagawa rin ito sa buong bansa.

Banta ng DILG sa mga mayor na hindi naisa­gawa ang paglilinis sa mga sagabal, sususpendihin sila. Wala umano silang magagawa kapag hindi tinupad ng mga mayor ang direktiba. Ipapataw nila ang parusa sa mga mayor na nagpabaya. Sa kasalukuyan, maraming lungsod sa Metro Manila ang nakasunod sa utos ng DILG. Patuloy ang pag­lilinis sa Maynila at hindi na nakabalik ang mga vendor sa kalsada.

Wala na ring mga naka-park na sasakyan sa mga pangunahing kalsada. Inalis ang mga istruktura na sagabal sa kalsada. Maski ang mga barangay hall at presinto ng pulis na sinakop ang kalsada ay giniba.

Isa sa mga agarang sumunod sa DILG ay ang Quezon City. Ang mga kalsadang inokupa ng vendors ay malinis na malinis na ngayon at maayos na nakakadaan ang mga tao at sasakyan. Pati ang mga nakaparadang sasakyan ay inalis din. Giniba rin ang mga tindahan na nasa sidewalk kaya nakapaglalakad na rito ang mga tao at wala nang iniiwasang mga nagtitinda.

Hanggang sa kasalukuyan, ipinatutupad ng QC government ang paglilinis sa kalsada. Ganundin ang Maynila na hanggang ngayon ay walang nakahambalang sa kalsada gaya sa Divisoria. Sumunod na rin ang iba pang lungsod sa Metro Manila sa direktiba ng DILG kaya maluwag ang kalsada.

Sana mapanatili ang ganitong tanawin. Ipatupad ito hanggang sa wakas. Hindi lang sana ito pangmadalian kundi pangmatagalan. At hindi sana ningas-kugon ang lahat nang sinimulan.

DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with