Lalaki sa India, namatay dahil sa bulalakaw
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

ISANG lalaki sa India ang namatay matapos tamaan ng bulalakaw (meteor). Siya ang unang tao sa kasaysayan na namatay dahil sa pagbagsak ng bulalakaw.

Ang namatay ay nakilalang si Karamaj, 40, isang school bus driver. Dalawang hardinero at isang estudyante naman ang nasugatan sa pagbagsak ng bulalakaw. Dinala sila sa pinakamalapit na ospital.

Ayon sa mga kinauukulan sa Vellore, Tamil Nadu, bumagsak ang bulalakaw sa isang engineering school doon. Sa sobrang lakas ng pagbagsak ng sinasabing bulalakaw, nag-iwan ito ng isang hukay na may lalim na dalawang talampakan.

Tinulungan naman ng lokal na pamahalaan sa lugar ang pamilya ng namayapang si Karamaj sa pamamagitan ng pagbibigay ng 100,000 rupees bilang tulong.

BULALAKAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with