Sugar Mommy (310)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

MULA nang may lala-king nakapasok sa bakuran ng kubo at nagnakaw ng panty, lagi nang sinisiguro ni Jane na nakakandado ang gate. Pinapalitan niya nang matibay na padlock para siguradong hindi masisira ng kung sinumang magtatangkang pumasok. Pinapalitan niya iyon noong magpalagay siya ng alambreng bakod. Malaki ang inihatid sa kanyang takot mula nang may nakapasok sa bakuran.

Kapag hindi siya sure kung nai-padlock ang gate, inu­utusan pa niya si Iya na na i-double check ang gate kung nakasara na iyon.

“Iya, paki-check mo ang padlock sa gate. Hindi ako sure kung naikandado ko.’’

“Opo Tita Jane,” sagot ni Iya at tinungo ang gate. Magugulat siya sapagkat nakakandado naman iyon.

Bumalik siya sa loob at sinabi kay Tita Jane na nakakandado.

“Okey thanks. Siyanga pala, huwag mong iwawala ang duplicate mong susi. Mabuti na ang mayroon ta-yong parehong susi.’’

“Opo Tita,” sabi ni Iya at lihim na napangiti.

“Sige matulog ka na at maaga pa ang pasok mo bukas.’’

“Opo Tita.’’

Nagbalik sa kuwarto niya si Iya at nahiga. Muli siyang napangiti.

Mabilis namang dina-law ng antok si Jane. Marahil ay dahil napagod siya sa pagtatanim sa pampang ng sapa.

Hanggang sa maghatinggabi.

Walang kamalay-malay si Jane na may aninong papalapit sa gate ng kubo.

May binabalak ang anino.

Papasok siya sa bakuran.

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with