^

Punto Mo

PNP chief Gen. Gamboa, iwas pusoy kay Danao!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

IWAS-PUSOY si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa dito sa kaso ng Cavite raid kung saan napatunayan na hindi sinusunod ang kanyang pagbabanta tungkol sa jueteng at iba pang sugal. Seryoso ang mukha na ibinando ni Gamboa na wala siyang sasantuhin sa mga regional directors (RDs) na hindi gumalaw versus jueteng, subalit mukhang atras siya kay Calabarzon police director Brig. Gen. Vicente Danao Jr., na bata ni President Digong.

Kung si dating Central Visayas police director Brig. Gen. Valeriano de Leon ay hindi pinatawad ni Gamboa, dito kay Danao kumambyo  siya at hindi ito magdudulot ng maganda sa imahe na gusto n’yang ipalabas kung pasugalan ang pag-uusapan. Araguuyyy! Kasi nga noong Lunes mga kosa, nilinaw ni Gamboa na ang kanyang “one strike” policy ay hindi naman direkta sa RDs kundi sa ibaba muna sa PCP at o municipal police chiefs. Kapag tatlong PCP o COP ang ma-relieve saka na ang provincial director at kapag tatlo naman sa huli ang masibak tatamaan din ang RD. Get’s n’yo mga kosa?

Kung magbanta si Gamboa, ang buong akala ng madlang people ay diretso nang tatamaan ang mga RD ‘yun pala me shield pa sila. Maliwanag na next to impossible na itong tatamaan ang mga RD kaya’t aalagwa pa din ang jueteng, na nangyayari naman sa kahit saang sulok ng bansa. Sa ngayon, maliwanag pa sa sikat ng araw na wala palang lason itong nagtatalsikang laway ni Gamboa. Araguuyyy! Iginigiit pa ni Gamboa na wala s’yang tinatanggap o maging ang mga kamag-anak n’ya na payola sa jueteng. Tumpak! Hak hak hak! Kung sabagay, hindi naman sinabi ni Gamboa na walang umiikot para sa kanya sa jueteng, di ba kosang Baby Marcelo Sir? 

Si Danao naman ay naghugas kamay din sa jueteng raid sa Alfonso at Tagaytay City kung saan 17 katao ang nahuli. Sa phone patch interview sa kanya ng taga-PNP press corps, sinabi ni Danao na sobrang laki ng Calabarzon at hindi n’ya kayang bantayan ang lahat ng lugar dito. Araguuyyy! Kung hindi kaya ni Danao ang trabaho, lalo na ang kontra jueteng, bakit andyan pa s’ya sa Calabarzon? Ibigay ang puwesto Gen. Gamboa Sir sa opisyal na kayang-kaya na bantayan ang buong Calabarzon, di ba mga kosa?

Ayon pa kay Danao, hindi n’ya kilala si alyas Capt. Carling, ang nasa likod ng jueteng sa Cavite, na nagpapakilalang kamag-anak n’ya. Iharap daw si Capt. Carling sa kanya at sasampalin n’ya. Inamin ni Danao na matagal na n’yang naririnig na ginagamit ang pangalan n’ya sa jueteng at iba pang sugal sa Calabarzon at tumanggap pa daw s’ya ng P5 milyon grease money. Bakit hindi pinaaresto ni Danao itong si Capt. Carling noon pa at kasuhan, at ngayon lang s’ya kumilos noong mainit na ang isyu vs jueteng?

Puro hangin lang itong binitiwang mga salita nina Gamboa at Danao tungkol sa Cavite jueteng raid at sigurado akong magiging giya ito ng iba pang RD para mapaglalangan ang “one strike” policy ng PNP chief. Sa totoo lang, nagpatuloy ng operation ang jueteng ni Capt. Carling sa Cavite matapos ang raid sa Tagaytay at Alfonso. Bagyo talaga si Capt. Carling. Abangan!

vuukle comment

ARCHIE GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with