^

Punto Mo

Sugar Mommy (309)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

WALANG kamalay-malay si Jane na mayroong binabalak si Jericho at kinasabwat pa ang pamangkin niya na si Iya. Iyon ang sorpresa ni Jericho kaya hindi nito ipinaaalam ang araw nang pagdating mula sa Saudi Arabia. Magugulat na lamang daw si Jane. Nangako naman si Iya na hindi niya sasabihin sa kanyang Tita Jane ang napag-usapan nila ni Jericho. Sabi pa ni Jericho, tatawag uli siya kay Iya para plantsahin ang plano.

Si Jane naman ay laging nag-aabang sa bintana. Kapag may umuugong na sasakyan o traysikel kaya ay nagkakandahaba ang leeg para tingnan kung sino ang dumating. At biglang malulungkot kapag nalamang hindi pala si Jericho ang sakay nang dumaang traysikel.

“Kailan kaya darating si Jericho?’’ tanong ni Jane na may himig pagkabagot o pagkainip.

Lumabas sa kanyang kuwarto si Iya para pasayahin ang kanyang tita na ilang araw nang naghihintay sa pagdating ni Jericho.

“Ano po ba ang sabi, Tita? Ano raw petsa?’’

“Hindi nga sinabi eh. Basta darating na lang daw. Naiinip na ako.’’

Lihim na napangiti si Iya. Hindi siya magpapahalata na mayroon silang usapan ni Jericho.

‘‘Kung bakit kasi ang hilig ni Jericho na sorpresahin pa ako. Lalo lang akong hindi mapakali.’’

“Kung ako sa’yo Tita, hihintayin ko na lang na dumating si Tito. Huwag ka nang magbabad sa bintana.’’

“E hindi ko matiis na hindi tingnan lalo pag may narinig akong tunog ng sasakyan.’’

Napangiti uli ng lihim si Iya.

Nahalata siya ni Jane.

‘‘Ba’t ka napangiti?’’

‘‘Ho? A e wala Tita. May naisip lang ako.’’

Napatangu-tango na lang si Jane at napahinga nang malalim.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with