^

Punto Mo

Sugar Mommy (307)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPAPANGITI si Jane habang nag-iisip. Ano na naman kayang sorpresa ang inihahanda sa kanya ni Jericho at ayaw ipaalam ang araw ng pag-uwi. Basta darating na lang daw siya. Tiyak daw na magugulat siya, sabi pa ni Jericho sa kanya sa huling pag-uusap nila.

Napangiti pa si Jane at naalala ang mga ginawang kalokohan ni Jericho na matagal siyang sinubaybayan. Pati ang paliligo niya sa sapa ay nasubaybayan at wala na siyang naitago sa lalaking iyon. Hindi rin niya namalayan na sinisid na pala siya, ha-ha-ha! Hindi niya malimut-limutan ang paglundag niya dahil hi­nawakan ang hita niya. Akala niya, may ahas na biglang tumuka sa hita niya, ha-ha-ha!

Ano kaya ang nakahanda sa kanyang sorpresa ni Jericho ngayon? Napangiting muli si Jane. Kahit ano ang gawin ni Jericho ngayon basta ang mahalaga ay uuwi na ito at habambuhay na silang magkakasama. Hindi na sila magkakahiwalay pa. Miss na miss na niya si Jericho.

“Tita!’’

Nagulat si Jane sa big­lang pagtawag sa kanya ng pamangkin na si Iya.

“Mukhang nag-iimadyin ka Tita, ha-ha-ha!’’

“Ginulat mo ako, Iya!’’

“Nakangiti ka pa kasi habang malalim na nag-iisip. Sino ba ang naiisip mo Tita at sa tingin ko e maligayang-maligaya ka?’’

“Sino pa e ‘di si Tito Jericho mo. Naaalala ko ang mga ginawa niyang kalokohan noong narito siya.’’

“Sabi ko na nga ba at si Tito Jericho. Kakaiba kasi ang ngiti mo.’’

“Kasi may bago na naman daw siyang sorpresa sa akin.”

“Ano raw sorpresa, Tita?’’

“Sorpresa nga e, siyempre secret.’’

“Kailan daw siya dara­ting?’’

“Hindi nga niya sinasabi. Iyon daw ang sorpresa. Basta darating na lang daw siya.’’

“Aba sorpresa nga. Dapat pala lagi kang nakaabang sa kanya.’’

“Oo nga. Aabangan ko ang pagdating niya.’’

“Nakakatuwa kayong dalawa, ha-ha-ha! Aabangan ko ang kasunod na kabanata ng inyong love story.’’

Araw-araw nag-abang si Jane kay Jericho, Lagi siyang nasa bintana ng kubo at inaabangan ang pagdating ng minamahal.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with