^

Punto Mo

Ang ‘queen tarantula’ ng Indonesia

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA Indonesia matatagpuan ang isang babaing mahilig mag-alaga ng mga tarantula. Dahil sa pagkahilig niya sa mga tarantula, binansagan siyang “Queen Tarantula”.

Ang 28-anyos na si Ming Cu ay may 1,500 tarantulas na inaalagaan niya mismo sa loob ng kanyang bahay.

Nagsimula ang pagkahilig ni Cu sa mga tarantula pitong taon na ang nakararaan nang minsang makakita siya ng isa sa mga ito sa kanilang bakuran sa Bandung, Indonesia.

Natuwa siya sa itsura nito noong kunan niya ito ng litrato at hindi lumaon ay naghahanap na siya online para sa iba pang mga tarantula na puwedeng mabili at gawing alaga.

Simula noon, gumastos na si Cu ng higit $55,000 (katumbas ng higit P2.76 milyon) para sa koleksyon niya ng 1,500 tarantulas na itinira niya sa isang espesyal na silid sa kanilang tahanan.

Noong una, ayaw pa ng mga magulang ni Cu na mag-alaga siya ng mga gagamba sa bahay ngunit ipinakita naman daw ni Cu na pinag-aralan niya ang tamang pag-aalaga sa mga ito at ang mga paraan upang hindi sila makatakas mula sa kanilang mga lalagyan kaya sa huli ay pumayag na rin sila.

Sa sobrang daming alam ni Cu sa mga tarantula, binansagan na siyang “Queen Tarantula” ng Indonesia. Hindi raw niya ikinakahiya ang titulo.

vuukle comment

QUEEN TARANTULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with