^

Punto Mo

Bentahan ng illegal drugs online, aktibo

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ang tindi ng bagong modus ng sindikato sa illegal drugs. Aktibo ang bentahan nila online.

D’yan din inaalok sa mga kostumer ang liquid o injectable shabu na ayon sa mga eksperto ay mas may malalang epekto sa gumagamit.

Ang lalakas daw ng loob, ayon pa sa PDEA, dahil meron pa umanong demo na ginagawa sa social media kung paano gamitin ang injectable shabu.

Dahil dito, nagbabala na ang PDEA hinggil sa mapangahas na operasyon ng mga drug syndicate.

Ang nakakabahala pa dumarami na ang mga insidente ng online selling ng illegal drug.

Ito marahil ay dahil sa matinding kampanya o drug war sa kasalukuyan. Hindi makaporma nang husto ang sindikato kaya sumasabak sa ibang pamamaraan tulad ng online selling.

Mabilis umanong  nagiging popular sa mga drug user ang injectable shabu dahil sa matagal na epekto nito na mula sa sexual arousal hanggang sa prolonged sexual activity.

At ang paraang ito nga ang maaring magdulot agad ng accidental drug overdose at ang pagkalat ng nakakahawang sakit sa pamamagitan ng karayom.  

Kamakailan lang dalawang kelot na nagbebenta ng liquid o inectable shabu online ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation sa Mandaluyong City.

Ang mga ito pa nga yung nagde-demo sa kanilang parokyano kung paano ito gamitin.

Tiniyak naman ng PDEA na matindi ang ginagawa nilang pagtutok sa mga ito.

Patunay lang ito na talagang matindi pa ang problema sa iligal na droga sa bansa dahil sa iba’t- ibang modus na ginagamit ng mga sindikato para makapagpatuloy sa kanilang operasyon.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with