^

Punto Mo

EDITORYAL - Anti-Hazing Law walang ngipin!

Pang-masa
EDITORYAL - Anti-Hazing Law walang ngipin!

SA kabila na mayroon nang Anti-Hazing Law (Republic Act 11053), nananatili pa rin ang madudugong initiation rites sa mga fraternity. Sa ilalim ng batas, mahigpit na pinagbabawal ang hazing at iba pang bayolenteng initiation rites ng fraternities, sororities at iba pang katulad na grupo. Makakasuhan din ang eskuwelahan, leader ng fraternities, may-ari ng lugar kung saan naganap ang hazing at pati mga magulang ng biktima.

Ngunit sa kabila na may batas, patuloy pa rin ang hazing. Nagpapakita lamang ito na walang ngipin ang batas ukol sa hazing. Marami pa ring miyembro ng fraternity ang mistulang berdugo sa oras ng initiation.

Panibagong biktima ang 23-anyos na Criminology student na si Omer Despabiladera ng Solis Institue of Technology sa Bulan, Sorsogon. Namatay si Despabiladera noong Pebrero 16 dahil sa tinamong mga pasa at bugbog sa iba’t ibang bahagi ng katawan na idinulot ng mga miyembro ng Tau Gamma Fraternity. Isa pang kasamahan ng biktima ang nasa ospital dahil din sa matinding pahirap ng mga miyembro ng fraternity.

Ayon sa Sorsogon police, mahigit 20 miyembro ng Tau Gamma ang sangkot sa hazing. Hinahanap na ang mga miyembro ng fraternity para papanagutin sa krimen.

Noong Setyembre 2017, namatay rin sa kamay ng mga ka-brod sa Aegis Juris Fraternity ang UST law student na si Horacio ‘‘Atio” Castillo. Bagama’t may hinatulan ng isang miyembro ng Aegis Juris na naging dahilan ng kanyang pagkamatay, siyam pang miyembro ang hindi pa nasesentensiyahan. Hindi pa rin ganap na natatahimik ang kaluluwa ni Atio at patuloy na naghahanap ng hustisya. Hindi naman tumitigil ang kanyang mga magulang para lubusang mapanagot ang mga nasa likod ng karumal-dumal na hazing. Ginagawa umano nila ang lahat hindi lamang para sa anak kundi para rin sa iba pang biktima ng hazing.

Nararapat maipatupad ang batas ukol sa hazing. Ang kawalan ng ngipin ng batas ang dahilan kung bakit patuloy na nangyayari ang hindi makataong pagpapahirap. Maging mapagmatyag naman ang mga magulang sa aktibidad ng kanilang mga anak. Gabayan sila at baka maligaw ng landas sa pagsama sa mga berdugong ka-brod.

vuukle comment

ANTI-HAZING LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with