^

Punto Mo

EDITORYAL - Sarap ng ‘pastillas’

Pang-masa
EDITORYAL - Sarap ng �pastillas�

‘‘TIP of the iceberg’’ lamang umano ang nadiskubreng ‘‘pastillas modus’’ na ginagawa ng mga opisyal at personnel ng Bureau of Immigration. Mas may malaki pa umanong pinagkakakitaan ang mga corrupt na nagsasampa sa kanila ng sandamakmak na pera.

Pero ang isang magandang balita, sinibak na ni President Duterte ang 19 na opisyal at personnel ng Immigration dahil sa “pastillas modus’’. Kumpiyansa naman ang Presidente kay Immigration  Commissioner Jaime Morente. Malaki pa rin ang tiwala niya rito.

Nadiskubre ang ‘‘pastillas’’ ng isang Immigration employees ang nagsiwalat na madaling nakakapasok sa bansa ang mga Chinese na magtatrabaho sa Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs) kapalit ng pera. Bawat Chinese ay hinihingan ng P20,000 para makapasok nang walang kuskos-balungos. Nangyayari ang modus sa NAIA Terminal 1 at 3. Dumagsa ang Chinese workers sa POGOs noong 2017.

Bago pa ang “pastillas” hinuhuthutan din ng   mga corrupt sa Immigration ang mga South Ko-reans. Noong Marso 6, 2019, 15 South Koreans ang pinigil ng Immigration officials sa Angeles City, Pampanga dahil sa overstaying.

Tinakot umano ng mga BI officials ang mga Koreano na ikukulong kung hindi magbibigay ng P280,000 hanggang P1 milyon. Walang nagawa ang mga Koreano kundi magbigay. Umaabot sa P9.4 milyon ang nakuha ng Immigration officials sa mga Koreano.

Marami pang corrupt na opisyal at personnel sa Immigration. Ang 19 na sinibak ni President Duterte ay kapiranggot lang. Kailangang malang­hap pa ng Presidente ang masangsang na amoy ng korapsiyon sa Immigration para marami pa ang masibak doon.

 

vuukle comment

PASTILLAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with