^

Punto Mo

Silbi ng hand sanitizer laban sa virus

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

BUKOD sa face mask, gamit na gamit sa kasalukuyang panahon sa halos buong mundo ang mga alcohol at hand sanitizer dahil sa epidemya ng novel coronavirus na kilala ngayon sa tawag na COVID-19.  Pamilyar na silang tanawin sa maraming lugar o establisimento, pribado man o publiko.

Pero mabisa nga ba talaga ang hand sanitizer at alcohol? Sinasabing merong ibang mga limitasyon ang hand sanitizer.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention ng United States, hindi laging may bisa ang hand sanitizer kung ang mga kamay ay lubhang malangis o masyadong marumi tulad ng kapag kumakain, naglalaro ng sports o naghahalaman. Nagbabala pa ang CDC na maaari ring hindi matanggal ng hand sanitizer ang mga harmful chemical tulad ng pesticides at heavy metal. Pero magagawa ito ng sabon at tubig.

Sa isang ulat ng Global News, sinasabi ng microbiologist na si Jason Tertro na host din ng podcast Super Awesome Science show, na merong silbi ang hand sanitizer pero hindi anya ito puwedeng ihalili sa tamang paghuhugas ng kamay.

“Wala kang tinatanggal na anuman dahil, kung merong kailangang tanggalin,  kailangang hugasan mo ng tubig ang iyong kamay o punasan ng tuwalya,” paliwanag ni Tetro. “Pinapatay mo ang germs. Ito ang gamit ng hand sanitizer.”

Idinagdag niya na ang alcohol ay pumapatay ng organic material. “Kung ang material na iyan ay bacterium o isang virus, madedestabilisa ito na hindi na ito makakagalaw,”

Pero idiniin niya na ang hand sanitizing (sa tulong ng hand sanitizer o alcohol) ay isa lang dapat na pansamantalang solusyon.  Dapat maghugas ng kanilang mga kamay ang mga tao sa lalong madaling panahon. Ganito rin anya  pagdating sa isyu ng coronavirus.

Gaano kapektibo ang hand sanitizing? Depende ito sa kung paano ito ginagamit, paliwanag ni Tetro. Ang hand sanitizer ay dapat anyang  60 to 70 per cent ethanol. Hindi usapin dito ang amoy o kulay o kung merong aloe.

Ipinahiwatig niya na dapat sapat ang dami ng hand sanitizer na ginagamit at kiskisin nang matagal ang mga kamay. “Tiyaking sapat ang paggamit nito para manatiling basa ang mga kamay sa loob ng 15-20 segundo,” dagdag niya.

Email: [email protected]

vuukle comment

VIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with