APP Worldwide Recruitment Services, inireklamo ng 18 aplikante patungong London
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

KUMUYOS ang betlog, nagkulong sa opisina at tuluyang nagtago ang inirereklamong may-ari ng APP Worldwide Recruitment Services. Ito’y matapos bisitahin ng BITAG ang ahensiya dahil sa reklamo ng 18 aplikante papuntang London.

Nakuhanan mula P50,000 hanggang P200,000 ang bawat biktima. Ang pangako ng APP, trabaho bilang caregiver, nurses, hospital helper at cleaner sa Inglatera. Pinakitaan ng pekeng visa at job order ang mga biktima bilang garantiya ng kanilang application.

Kuwidaw,  dahil sa imbestigasyon ng BITAG, walang job order ang London na ipinagkaloob sa APP sa mga nasabing trabaho.

Mismong embahada na ng Pilipinas sa London ang nagpadala ng sertipiko para patuna-yang bogus ang mga job order na ipinagmamalaki ng APP. Ibig sabihin, dorobo, manloloko, bogus, kawatan itong kumpanyang ibinabalandra pa ang kanilang lisensiya ng Philippine Overseas and Employment Agency (POEA).

Bukod sa illegal recruitment, iniipit din ng agency ang passports ng mga aplikante kaya’t nanghimasok na ang BITAG. Eto ang naging dahilan ng pagbisita namin kasama ang Manila City Hall Business Permit and Licensing Office (BPLO) at Manila Police District.

Masuwerte namang nasa opisina noong mga oras na ‘yun ang may-ari, nag-aangas at nagmamatigas na kailangan daw magbayad ng mga aplikante para mabawi ang kanilang passport.

Kinausap ko sa telepono at pilit ipinaliwanag na labag sa batas ang ginawa ng kaniyang ahensiya. Pagbalik ng telepono sa aking staff, nagkulong si kolokoy sa kanyang opisina at sinabing hintayin daw namin ang abogado ng kompanya.

Nagsarado na ang building, hatinggabi na subalit walang lumutang na abogado. Makailang beses kinatok ng mga pulis, barangay officials at building security si kumag, subalit hindi ito lumabas ng kanyang lungga.

Anong ginawang hakbang ng BITAG? Abangan sa aming BITAGOfficial YouTube Channel. 

Iba ang estilo namin, hindi basta paupo-upo at pamikropono-mikropono lang ang BITAG, lumulusob kami sa tulong ng kinauukulan para ipatupad ang batas.

Siyanga pala, isang sorpresa ang bubulaga at siguradong sasabog ang bahay tae ng kolokoy na may-ari ng APP dahil ang kanya mismong anak, lumapit sa BITAG at isiniwalat ang kanilang baho.

APP WORLDWIDE RECRUITMENT SERVICES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with