Sugar Mommy (305)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

PINAGMASDAN ni Jane ang nakapalibot na barbed wire sa kubo. Safe na safe sila ni Iya. Hindi na siya mangangamba na may makakapasok na magnanakaw. Makakatulog na siya nang mahimbing. Hindi na siya babangon para lang i-tsek kung may tao sa labas.

Kinagabihan, tumawag siya kay Jericho at ipinaalam ang tungkol sa pagpapagawa niya ng barbed wire.

“Mabuti at naisip mong magpalagay ng bakod na barbed wire. Sasabihin ko rin sana sa’yo ‘yan noong huli tayong mag-usap pero nalimutan ko.’’

“Bigla ko rin itong naisip Jericho. Kaya ipinasya kong magpalagay ng bakod hanggang wala pang nangyayaring malubha. Maayos naman ang pagkakalagay ng bakod. Safe na safe kami ni Iya. Mataas ang bakod at hindi kayang akyatin.’’

“Tama lang na mataas ang bakod na pinagawa mo, Jane.’’

“Tinaniman ko ng mga namumulaklak na halaman ang unahan ng bakod. Tamang-tama pag-uwi mo na namumulaklak na ang mga ‘yun. Gusto ko kaaya-aya ang itsura ng ating tahanan sa pag-uwi mo.’’

“Bigla akong nahomsik sa sinabi mo Jane. Gusto ko nang umuwi agad-agad!’’

“Weee, parang totoo!”

“Totoo, Jane, uuwi na ako. Pinayagan na ako ni Abdulaziz. Kasi’y ikinuwento ko ang nangyari sa iyo nang pagnakawan ka. Sabi sa akin, puwede na akong mag-fi-nished contract. Naiintindihan daw niya ang lahat.’’
Hindi makapaniwala si Jane. Parang nananaginip siya.”

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with