^

Punto Mo

Chinese POGO workers, biktima ng raket ng taga-BIR!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI lang ang Bureau of Immigration (BI) ang may raket na ang target ay ang mga foreign nationals na empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) kundi maging ang taga-Bureau of Internal Revenue (BIR). Kung Ang raket sa BI ay iniimbestigahan na ng Senado, hindi pa nabubulgar itong ginagawa naman ng taga-BIR at kung maaari ay iutos ni President Digong na imbestigahan ito para matigil na.  

Sa raket ng BI, diretso sa bulsa ng mga empleyado ang pitsa ganundin ang ginagawa ng taga-BIR at ang nalulugi naman ay ang kaban ng gobyerno ni Digong. Kung sabagay, itong anomal­ya sa BI na tinatawag na “Pastillas” ay nakakulimbat ang mga tiwaling empleyado nila ng limpak-limpak na salapi, at tinitiyak ko na nasa tamang landas ang Senate investigation at mahuhubaran din ang mga nasa likod ng raket, di ba mga kosa?

Hinikayat naman ni Palace Spokesman Salvador Panelo ang mga biktima ng raket ng BI na lumutang at mag-file ng formal complaint para maaksiyunan kaagad ito. Sa ngayon kasi, tsismis pa lang ito, ani Panelo. Araguyyy! Hak hak hak! Kapag walang formal complaint hindi uusad ang kaso, di ba mga kosa?

Kung sa raket ng BI nagbabayad ang mga Chinese ng pitsa para makapasok sa bansa, ang pinagkakitaan naman ng BIR employees ay ang Tax Identification Number kung saan libu-libong dayuhan ang binigyan ng iisa lamang numero ng TIN. Alam kaya ni BIR Commissioner Caesar Dulay ang raket ng kanyang mga tauhan? Tanong lang po! Wala man lang konting kaba itong mga taga-BIR na gumawa ng pitsa kahit abot langit ang pagbabanta ni Digong na sisibakin niya ang mga tiwali sa gobyerno. Araguuyyy! Hindi na pangkape ang kinikita nila sa raket, ‘di ba mga kosa? Sinabi ng mga kosa ko na required kumuha ng TIN ang mga foreign nationals na nagtratrabaho sa POGO para magbayad sila ng buwis.

Kung walang TIN hindi sila iisyuhan ng working permits at natural lang na hindi sila makapagtrabaho. Ang siste lang, iisang numero lang ng TIN ang iniisyu ng tiwaling BIR employee sa halos 4,000 hanggang 5,000 foreign POGO workers kaya maliwanag pa sa sikat ng araw na lugi ang gobyerno dito, dahil ang ibig sabihin nito isa lang ang magbabayad ng buwis.

Bagamat malaki ang lugi ng gobyerno, makapal naman ang bulsa ng mga tiwaling BIR employees, di ba mga kosa? Araguuyyy! Lagot layo kay Digong at tiyak sibak kayo!   Siyempre, may palusot ang taga-BIR at ito ay may “system glitch” sa computer nila. Hak hak hak! Lumang palusot na ‘yan, di ba mga kosa? Tumpak!

Bukod dito, sinabi rin ng mga kosa ko na sinisingil ang mga foreigners mula P150 hanggang P500 kada isa sa pagkuha ng TIN na kung tutuusin ay libre lamang. Noong nakaraang taon, umabot sa halos 150,000 na dayuhan ang binigyan ng work permit at dapat silang lahat ay may TIN. Hayan Pres. Digong Sir, ipasuma mo kay Com. Dulay kung magkano ang nawala sa kaban ng gobyerno dahil sa raket ng mga tauhan n’ya. Hak hak hak! Kanya-kanyang raket lang ‘yan! Abangan!

vuukle comment

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with