^

Punto Mo

Sugar Mommy (304)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPAHINGA nang malalim si Jane habang iniisip ang kalagayan na malayo sa kanyang piling si Jericho. Mahirap talaga ang walang kasamang lalaki sa bahay lalo pa sa sitwasyong may mga nagtatangka nang masama. Mabuti na lang at naagapan niya ang ginagawa ng lalaking magnanakaw ng panty. Kung hindi siya naglakas ng loob na harapin ang lalaki, baka patuloy siyang piniperwisyo. At baka kung ano pang kalaswaan ang gawin sa kanya o sa kanila ni Iya.

Nauunawaan naman niya si Jericho na hindi agad ito makakauwi sapagkat kaila-ngang tapusin ang kontrata. Nahihiya si Jericho sa mabait na among si Abdulaziz kung hindi tatapusin ang kontrata hanggang Disyembre. Mala­ki ang nagawang tulong ni Abdulaziz kay Jericho. Na-ging maluwag ito kay Jericho at naging maunawain sa panahong nagdadalamhati sa pagkamatay ng unang asawa.

Binigyan nito ng sapat na panahon si Jericho para makapagpahinga dahil sa dinanas na pagkasiphayo sa pagkawala ng asawa.

At natulungan din nito na maipasok si Sammy sa kompanya.

Ang mga nagawang tulong ni Abdulaziz ay tinatanaw ni Jericho na malaking utang na loob. Walang makakatulad si Abdulaziz na masyadong mahal ang mga Pilipino at hindi itinuturing na mga trabahador kundi mga “kapatid”.

Kaya nauunawaan ni Jane si Jericho sa pasya nito na tapusin sa Disyembre ang kontrata sa kompanya ni Abdulaziz. Ayaw din naman niyang malagay sa alanganin o mapahiya ang lalaking minamahal niya nang labis. Kung ano ang gusto o pasya ni Jericho, igagalang niya. Susunod siya rito.

Para mapanatag ang isip at hindi na maulit ang nangya-ring pagnanakaw ng kanyang mga panty, pinalagyan ni Jane ng bakod na barbed wire ang paligid ng kubo. Ikinulong niya sa may 10 metrong barbed wire ang kubo.

Dalawang lalaking trabahador ang kinuha niya para maglagay ng bakod. Kapag natapos ang paglalagay ng bakod, tataniman niya ng mga namumulaklak na halaman ang tabi ng bakod. Aalisin niya ang mga matataas na puno para madali niyang makita kung may magtatangkang pumasok.

Tamang-tama na pagdating ni Jericho sa Disyembre ay pawang namumulaklak na ang mga tanim niya.

Nang matapos ang pag­lalagay ng barbed wire, nakahinga nang maluwag si Jane. Matitiwasay na ang kalooban niya sa gabi. Sa taas ng bakod, wala na marahil makakaakyat doon para magnakaw. (Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with