^

Punto Mo

EDITORYAL – Kawawang mga bata na hindi marunong bumasa at umunawa

Pang-masa
EDITORYAL � Kawawang mga bata na hindi marunong bumasa at umunawa

MARAMING elementary students sa Bicol Region ang hindi marunong bumasa. Ayon sa Department of Education (DepEd), tinatayang 20,000 mag-aaral sa nasabing rehiyon ang hindi marunong bumasa. O kung marunong bumasa, hindi naman nito naunawaan ang binasa. Ayon sa DepEd-Bicol ang mga mag-aaral ay nasa Grade 1 hanggang Grade 6.

Ayon kay Ervin Aroco, information officer ng Dep-Ed-Bicol, hindi marunong magbasa ng Tagalog at English ang mga estudyante.

Nakakadismaya ang balitang ito. Lubhang kaawa-awa ang mga estudyante na hindi marunong bumasa. Maaaring nasa guro na ang problema kaya nagkaganito ang mga bata. Kailangang malaman ang ugat kung bakit maraming elementary students ang hindi marunong bumasa sa Tagalog man o English.

Sa isang report, sinasabing ang kahirapan ng mga estudyante na nasa liblib na lugar sa Bicol ang dahilan. Marami sa kanila ang tumitigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan ng buhay. Mayroong hindi na natatapos ang Grade 1 at napapasabak na sa pagtatrabaho sa bukid o di kaya’y sa pangingisda. Tinutulungan sa pagtatrabaho ang kanilang mga magulang.

Mayroon namang hinto nang hinto sa pag-aaral hanggang sa tuluyan nang tumigil sa pagpasok. Mayroong nakakaabot sa Grade 6 na hindi marunong unawain ang nakasulat.

Ayon pa rin sa report, may mga mag-aaral na maru­nong bumasa pero hindi marunong unawain o maintindihan ang kanyang binasa. Mayroon din naman na alam ang alpabeto pero hindi alam kung paano ito babasahin.

Hindi lamang pala ang kakulangan ng school bui­­l­dings, libro at computers ang problema ng DepEd, pati pala ang kasalatan ng mga estudyante sa pagbasa ay isa rin sa nakaamba. Nakakaawa naman kung hindi tuturuan ang mga estudyante sa Bicol na makaunawa sa nakasulat. Kailangang malutas ang problemang ito sapagkat lalong mapapag-iwanan ang Pilipinas.

Halos lahat nang bansa ay pinauunlad ang kanilang sistema ng edukasyon at ang Pilipinas naman ay paurong. Kailangang magtrabaho nang puspusan ang DepEd para maisalba ang mga mag-aaral na hindi marunong bumasa.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with