^

Punto Mo

Zamora, binola ang meat dealers?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MAHIGIT isang buwan nang sarado ang slaughterhouse sa San Juan subalit wala pang balita ang opisyales ng Metro Manila Meat Dealers Association (MMMDA) sa isinagawang imbestigasyon ni Mayor Francis Zamora sa tauhan niyang si alyas “Ahas.” At mukhang wala nang interes si Zamora na tuklasin ang kawalanghiyaan ni “Ahas” na nanggoyo sa meat dealers nang malaking halaga. Matapos isara ang slaughterhouse sa Bgy. Batis noong Enero, nakipagpulong ang MMMDA officials sa pamumuno ni Ricardo Chan kay Zamora at ibinulgar nila bilang ebidensiya ang text messages ni “Ahas” sa nagpapatakbo ng katayan.

Maliwanag pa sa sikat ng araw na hino-hostage ni Ahas ang mga miyembro ni Chan para kumuha ng baboy sa kasapakat na si Ka Ernie para kumita nang malaking halaga. Kasi nga ang baboy na nagkakahalagang P87 sa hog farms ay puwersahang binibili ng mga meat dealers kay Ka Ernie sa halagang P105.

At kung 50 kilos ang kada baboy, aba maliwanag na P45,000 kada araw ang kita ni Ahas, di ba mga kosa? Araguuyyy! Sa paglisan ng tropa ni Chan sa City Hall, nangako si Zamora na paiimbestigahan n’ya ang isyu subalit mukhang namuti na ang mata nitong grupo ng meat dealers ay hindi sila magkaroon ng hustisya. Hak hak hak! Habang patuloy ang katahimikan ni Zamora sa isyu vs “Ahas,” masisira ang ibinabando niyang motto na “Makabagong San Juan.” Ang ibig kayang sabihin ng motto ni Zamora ay ibang mukha na ang kumikita sa liderato niya?

Siyempre, sa pagsara ng slaughterhouse dahil sa paglabag ng environmental laws, marami rin ang nawalan ng trabaho, lalo na ang mga matansero. Sa ngayon, naghihikahos na sila at bitin na ang mga pagkain sa lamesa nila dahil sa naghihingalo na ang ipon nila. Natural na pati baon ng kani-kanilang mga anak sa eskuwela ay naapektuhan din. Ang mga residente naman na malapit sa slaughterhouse ay nawalan na din ng delihensiya. Araguuyyy! Gutom ang inabot nila at mukhang hindi naisip ni Zamora ang kalagayan nila bago niya ipinasara ang slaughterhouse, di ba mga kosa?

Itong mga matansero mga kosa ay ‘yung nagkakatay, naglilinis ng balahibo at nagtatanggal ng bituka ng baboy bago ito ideliber sa mga wet market sa Metro Manila. May mga matansero na sumama sa kanilang mga amo kung saan sila lilipat na slaughterhouse, ayon kay Chan, subalit may iba naman na wala ng trabaho.

Ang naiwan talaga sa kangkungan ay ‘yaong mga tinatawag nilang nagkakawa, o ang mga nagtutubog ng baboy sa mainit na tubig at karamihan sa kanila ay mga San Juaneños. Araguuyyy! Kaya ang panawagan sa ngayon ng mga na-displace na trabahador, dapat bigyan sila ni Zamora ng trabaho para may pang-araw-araw silang pangsuporta sa kani-kanilang pamilya. Hak hak hak! Ano kaya ang kasagutan dito ni Zamora?

Sa pagharap nila kay Zamora, malakas ang paniwala ng tropa ni Chan na hindi ito kasangkot sa raket ni “Ahas.” Subalit habang tumatagal ang katahimikan niya nagdududa na ang meat dealers na nabola lang sila ni Zamora. Hak hak hak! Ano pa nga ba! Abangan!

vuukle comment

METRO MANILA MEAT DEALERS ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with