EDITORYAL – Shame campaign laban sa mga korap
(Pang-masa) - February 18, 2020 - 12:00am

IPAGPAPATULOY ni President Duterte ang nakasanayan na niyang shame campaign laban sa mga tiwali sa pamahalaan. Hindi raw niya titigilan ang mga korap. Hihiyain niya ang mga ito sa maraming tao. Bibirahin daw talaga niya ang mga ito. Hindi lamang daw business ang mawawala sa mga korap kundi pati na rin ang pants ng mga ito.

Ang panibagong pagbabanta ng Presidente ay ginawa niya noong Sabado nang magsalita sa inagurasyon ng New Sangley Airport sa Cavite. Hindi raw siya titigil sa pagpapahiya sa mga gumagawa ng katiwalian.

Patuloy ang paggawa ng katiwalian sa kabila na may babala na ang Presidente. Kahit pa lantaran ang ginagawang pagpapahiya sa publiko, patuloy pa rin ang mga corrupt sa gobyerno. Masahol pa sa mga buwaya ang corrupt officials na halos wala nang kabusugan. Ang mga buwaya ay tumitigil sa paglamon kapag mayroon nang laman ang tiyan, pero ang mga corrupt sa pamahalaan, walang humpay ang pagpapasasa sa kaban ng yaman. Uubusin lahat ang laman ng kaban.

Sabi pa ng Presidente noon, singaw lamang ng korapsiyon ang kanyang maamoy, sisibakin agad niya ang sangkot na opisyal. Kaya nga sinabi pa niya noon, magkusa nang magbitiw para hindi na niya hiyain. Mas masakit umano kung sa harap nang maraming tao pa niya hihiyain ang sangkot sa katiwalian.

Bakit sa kabila ng pagbabanta ay marami pa rin ang gumagawa ng kabulastugan o kawalanghiyaan? Bakit hindi nababahag ang buntot?

Marahil dahil sa naging aksiyon na rin ng Presidente na ang mga sinibak niyang sangkot sa korapsiyon ay binabalik muli niya sa puwesto.

Hindi na dapat ibalik. Ang sinibak ay sinibak na. Kailangang manindigan na hindi na iuupo ang sinibak na.

SHAME CAMPAIGN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with