62-anyos na lola sa UK, mahigit 200 toyboys na ang nakaniig!
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

SIYA ay 62-anyos at nasisiyahan sa pakikipag-sex. Mayroon umano siyang high sex drive at gusto niya itong e-enjoy.

Ito ang sinabi ni Carol Bone, may pitong apo ng Leeds, UK. Ayon sa kanya, nagkaroon na siya ng 200 katalik na lalaki na ang edad ay 30 hanggang 40.

Lahat umano ng kanyang mga nakatalik ay nakilala niya sa websites na naghahanap ng makaka-date. Umano’y 13 websites ang kanyang binisita.

Nahumaling daw siya sa website dating noong 2008 makaraang maghiwalay sila ng kanyang asawa na nakasama niya ng 21-years.

Hindi raw siya seryoso sa lalaking kanyang nakakatalik basta ang gusto lang niya ay makapag-enjoy sa sex. Mas gusto raw niya ang mga 30 o 40-anyos kaysa mga lalaking may edad at may bilbil.

Ayon kay Carol, ang mga lalaki raw na edad 50 pataas ay mahina na at hindi kayang tapatan ang kanyang stamina. Ayon pa sa kanya, kapag mayroon siyang nakilalang tinedyer, sinasabi agad niya rito na casual sex lang ang gusto niya at walang mamamagitang relasyon sa kanila.

Sa kasalukuyan, ang pagbi-bake, pananahi at pag-aalaga sa kanyang mga apo ang ilan sa kanyang pinagkakalibangan.

TOYBOYS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with