Sugar Mommy (299)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - February 16, 2020 - 12:00am

NANG makaalis ang mga tanod kasama ang lalaki na nakilalang si Mulong, tila nagkaroon ng aral sa nangyari si Jane.

“Kaya pala nagkaroon ng interes ang lalaking iyon na nakawin ang aking panty ay dahil nakikita akong naliligo sa sapa. Nasisilipan pala ako kung ganun!’’

“Huwag ka nang maligo sa sapa, Tita,” sabi ni Iya.

‘‘Sa banyo na lang natin sa bahay. Mas safe pa.’’

‘‘Kasi naman e ang sarap maligo sa sapa. Napakalinaw ng tubig. Ang sarap magbabad!’’

‘‘Oo nga Tita, masarap maligo e meron naman pa­lang naninilip. Baka kung ano pa ang gawin ng lala-king iyon. Mabuti na lang at nahuli mo.’’

Napahinga si Jane.

“Talagang dapat nang umuwi si Tito Jericho mo para makapagpakasal na kami at nang may nagbabantay sa atin.

Mahirap na walang lalaki rito. Pati panty ko pinag-iinteresan.’’

“Oo nga Tita. Kailan ba uuwi si Tito?’’

‘‘Sa December narito na siya.’’

‘‘Malapit na pala.’’

‘‘Sampung buwan pa, Iya.’’

‘‘Tawagan mo siya Tita at ikuwento ang mga nangyari.’’

“Oo nga. Tatawagan ko.’’

Kinaumagahan, tinawagan ni Jane si Jericho.

Alalang-alala si Jericho nang malaman ang nang­yari. Galit sa lalaking nagnakaw ng panty.

‘‘Walanghiyang ‘yun ah! Ano ang ginawa mo?’’

“Pinaghahampas ko ng bat. Halos mabali ang bat sa paghampas ko.’’

“Mabuti nga sa kanya.’’

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with