Sugar Mommy (298)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - February 15, 2020 - 12:00am

NAGULAT si Jane sa biglang pagluhod ng lala­king magnanakaw ng panty sa kanyang harapan. Pati si Iya ay nagulat sa ginawa ng lalaki. Parang maamong tupa ang lalaki na umiiyak pa para patawarin.

“Hindi na po ako uulit Mam. Patawarin mo na ako! Maniwala ka po sa akin, Mam.’’

Hindi makasagot si Jane. Kung kanina ay galit na galit siya dahil sa ginawa ng lalaki, ngayon ay nababagbag ang loob niya. Parang nagtatalo ang loob niya kung patatawarin o hindi ang lalaki.

“Hindi ko lang po makontrol ang sarili ko Mam. Maniwala ka sa akin.’’

Biglang sumingit ang hepe ng barangay tanod.

“Ano Mam, dadalhin na namin ito sa barangay hall para masampahan ng kaso.’’

Hindi pa rin makapagpasya si Jane.

Parang naaawa siya sa lalaki.

Saka nagpasya siya.

‘‘Teka muna, chief. May itatanong lang ako sa lala-king ito. Bakit nagawa mong nakawin ang mga underwear ko?’’

Nahihiya pa ang lalaki. Pero sumagot din.

“Kasi po nakita kitang naliligo sa sapa na naka-panty lang. Hindi ko po napigilan ang sarili kaya pinag-interesan ko ang panty mo. Patawarin mo po ako, Mam.’’

“Sige, pinatatawad na kita. Huwag mo nang uulitin yun ha?”

“Opo Mam.’’

“Anong name mo?’’

“Mulong po.’’

Binalingan ni Jane ang hepe ng barangay tanod.

“Chief pinatatawad ko na siya.’’

“Okey pero dadalhin namin siya sa barangay hall para tanungin pa.’’

“Kayo na po ang bahala. Basta pinatatawad ko na siya.’’

Dinala ng mga tanod ang lalaki. (Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with