Garma, nagpa-bidding na ng STL!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - February 14, 2020 - 12:00am

KALITUHAN lang ang idinulot nitong kautusan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ipasara ang Peryahan ng Bayan (PnB), ang isa sa gaming products ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Siyempre, dahil sa utos ni Medialdea, ipina-suspend ni PCSO General Manager Royina Garma ang operation ng PnB sa lahat ng sulok ng bansa. Itong PnB mga kosa, na ino-operate ng GlobalTech, kasama ang Small Town Lottery (STL) at Keno ay ipinasara ni President Digong noong nakaraang taon dahil sa akusasyon ng corruption.

Subalit nang mapabuksan ito noong Oktubre, nakapag-remit ito sa PCSO ng P68 milyon. Ang ipinagtataka ng mga kosa ko, bakit ipinasara ni Mediadea ang PnB eh may status quo ante ito galing sa Court of Appeals (CA)? Kaya nga pinayagan ni Garma na mag-operate ang PnB sa 15 probinsiya sa bansa dahil sa CA decision. Sa ngayon, hilong talilong ang mga kosa ko kung bakit ipinasara ni Medialdea ang PnB sa hindi niya masabing dahilan? Araguuyyy! Sa tingin n’yo mga kosa, ano ang dapat sundin ng GlobalTech, ang korte o si Medialdea? Hak hak hak! Nakakalito nga talaga no mga kosa?

Sa totoo lang, kahit papaano ay nakadagdag sa kita ng PCSO itong nire-remit ng PnB. Kaya nga para lalong tumaas pa ang kita nila, ninais ni Garma na magbukas pa ng kung anu-anong gaming products nang sa gayon madagdagan ang mga tulong na ipamamahagi nila sa mga kababayan natin na mahihirap, lalo na ‘yaong may mga sakit. Hindi lang ‘yan! Nagdesisyon din si Garma noong Pebrero 5 na buksan na ang bidding para sa mga probinsiya na wala pang STL.

Matapos kasing ipasara ni Digong ang STL, hindi na pinayagan ni Garma na magbukas ang mga authorized agents corporations (AAC) na hindi nakabayad ng milyones na Presumptive Monthly Retail Receipt (PMRR). Sa ngayon, halos 60 sa 87 AAC’s na ang nag-ooperate at ang natirang probinsiya ay puwede nang mag-apply sa PCSO.

Sinabi ni Arnel Casas, assistant manager ng PCSO, na sasalain nila ang mga aplikante at siguruhin na ang mga may utang na PMRR ay hindi na makasali sa panibagong bidding nila. Kung may jueteng man na namayani sa naturang probinsiya, sinabi pa ni Casas na trabaho na ito ng kapulisan dahil wala silang police powers. Tumpak! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

SInabi ni Garma na ang mga bukas ng probinsiya ay ang Aurora, Oriental Mindoro, Northern Samar, Davao Occ., Antique, Camiguin, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi, Ifugao, Masbate, Manila, Quezon City, Quirino, Iloilo City, Iloilo, Marinduque, Cebu City, Aklan, Sultan Kudarat, Pampanga, Ilocos Norte, Nueva Ecija, Bulacan, Zambales, Angeles City, Tarlac, Bataan, Batangas, Quezon, Laguna, Mindoro Occ., Laguna, Sorsogon, Negros Occ., Bacolod City, Zambales at Capiz. O hayan, apply na mga kosa at ‘wag na magbakasakali sa jueteng dahil hahabulin kayo ni PNP chief Gen. Archie Gamboa. Abangan!

SALVADOR MEDIALDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with