Restaurant sa Iran, gawa sa asin
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 9, 2020 - 12:00am

ISANG restaurant sa Shiraz, Iran ang gawa sa asin. Maski ang mga upuan at mesa hanggang sa mga pader at hagdanan ng restaurant ay gawa sa asin.

 Ayon sa may-ari ng restaurant ang nagdisenyo nito ay ang Emtiaz Designing Group. Naisip umano nila na gami-ting materyales ang asin upang labanan ang lumalalang polusyon sa hangin.

Natural umanong sinasala ng asin ang hangin upang maalis ang polusyon. Natural din itong disinfectant kaya bagay na bagay itong materyales para sa isang gusali na kailangan ng kalinisan katulad ng isang restaurant.

Sinimulan ang pagdisenyo ng gusali sa pamamagitan ng pagpili ng tamang klase ng asin. Napili nilang gamitin ang mga natural na asin na matatagpuan sa lawa na maalat ang tubig na kalapit lang ng restaurant. Hinango naman nila ang disenyo ng restaurant mula sa isang salt cave o kuwebang gawa sa asin.

Ang isa pa sa mga layunin ng mga nag­disenyo ng restaurant ay ang pagandahin ang imahe ng asin. Para kasi sa karamihan sa atin ay hindi magandang sangkap ang asin para sa ating kalusugan kaya naman negatibo na ang pagtingin sa asin sa kabila ng mga mabubuting epekto nito sa katawan.

Kaya naman gusto ng mga nagtayo ng Salt Restaurant na maimulat ng kanilang gusali ang kahalagahan ng asin sa mara-ming tao.

IRAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with