^

Punto Mo

3 sekyu ikinakandado ng manager na Intsik kapag naka-duty sa gabi

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

WALA naman akong pakialam kung sasabihin ng mga inirereklamo na hindi sila takot sa BITAG. Hindi naman kami kailangang katakutan dahil ang batas ang dapat kilalanin at irespeto.

Eto ang mensahe ko rito sa nagmamay-ari ng Command Force Professional Security Services. Inireklamo ang agency na ito sa BITAG ng kanilang mga security guards.

Tatlong guwardiyang mula pa sa Butuan City na lumuwas pa sa Maynila para magreklamo. Sumbong nila, kinakandado sila ng manager na Intsik tuwing sila’y naka-duty sa gabi.

Dahilan ng kanilang among Instik, pinuprotektahan daw nila ang kanilang mga gamit at paninda laban sa mga magnanakaw. Walang ilaw, delikado kaya naghihintay lang mag-umaga bago makalabas ang mga pobre sa binabantayang tindahan.

Ganito ang kanilang sistema sa halos apat na taon nilang pagtatrabaho sa UniTop Ge-neral Merchandise. Kaya naman ikinakatakot ng mga sekyu ang kanilang kaligtasan lalo’t naranasan na nila ang paglindol at sunog habang naka-duty sa nakakandadong tindahan.

Bukod sa panganib, maliit lang ang pinapasahod sa kanila ng kanilang security agency na Command Force Professional Security Services. Nagmalaki pa na kahit magreklamo pa sa DOLE, SOSIA, o sa BITAG, e hindi sila takot dahil may mga abogado naman sila.

Ayon kay PMaj. Manuel Maligaya, Officer in Charge ng Enforcement Management Division ng Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA), malaking violation ito ng kliyente at ng mall.

Illegal detention o kasong kriminal ang maaaring harapin ng may-aring Intsik lalo’t positibo ang sumbong ng mga guwardiya na sila’y kinakandado habang naka-duty sa loob ng mall.

Seryoso kami sa BITAG na mapanagot ang mga walang awang negosyante lalo ‘yung mga lumalabag at walang pakialam sa panganib na posibleng kasangkutan ng kanilang mga empleyado.

Sisiguruhin naming masasampolan kayo nang matigil ang inyong pang-aabuso!

 

vuukle comment

SEKYU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with